Nang bilangin ko ang pera na binigay niya ay nasa sixteen thousand din, ang dami, kakasya na sa akin kahit abutin pa ng dalawang buwan ang pagbalik ni Kuya. Nagpahatid ako sa taxi papunta sa isang paupahan na maliit na apartment, at malapit lang sa aming giba-giba nang bahay. Kilala ko ang may-ari na isang widowed woman, si Aling Lusya. Nakiusap ako na makikiupa muna habang hinihintay pa ang pagbabalik ni Kuya. Inusisa pa ako nito kung bakit pinagiba ang bahay namin at kung nasaan na ba ang kuya ko. Sinagot ko na lang na busy sa kaniyang mga negosyo, at kaya pinagiba ang bahay namin ay dahil may pinapatayo itong bahay. Hindi ko na binanggit pa na may pinagkakautangan si Kuya ng malaki. Chismosa rin kasi ang may-ari ng apartment, at ayoko naman masira si Kuya dito sa aming barangay. Lima

