HINDI na ako lumabas pa ng kuwarto kahit panay katok na ni Tristan sa nakasaradong pinto. Hindi nito mabukas dahil ni-lock ko. Pero alam ko na kaya niya pa rin buksan kung gagamit siya ng susi. Pero imbes na pasukin Ako ay mas pinili niyang kumatok pa rin sa labas at magsumamo para pagbuksan ko. “Blythe, I'm really sorry for what she did to you, sweetheart,” he said, mahinahon ang boses at may pagsusumamo. “Come on, open the door for me. Let’s talk.” Mula kanina pa siya pabalik-balik pero hindi ko pa rin sinasagot at mas lalong hindi ko pinagbubuksan. Nakaupo lang ako sa taas ng kama habang napapaisip na kung tama pa bang manatili ako rito sa condo niya. Pero ngayon, tingin ko ay hindi na. Hindi na ako puwede pang magtagal dito. Nagawa na akong sugurin ng girlfriend niya na galit na g

