Chapter 3

1136 Words
Mabilis pang lumipas ang mga araw. Ngayon ang unang araw niya bilang ganap na secretary nito. Kahapon ay nagpaalam na si Maris sa kan'ya. Nalulungkot man sa pag alis nito dahil nagi na niya itong kaibigan sa mga nakalipas na araw ay wala siyang magagawa. Sa umaga ay ipinaghahatid niya ng kape si Lucas sa opisina nito kahit hindi siya nito inuutusan. Mabait naman itong amo pero may pagka-istrikto pagdating sa trabaho. Gusto nito ay pulido lahat ng trabaho. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit nito narating ang ganoong estado sa kabila ng edad nito. Naging mas komportable rin siya rito. Ibinili pa nga siya nito ng mga bagong damit at sapatos. Sabay din silang nag-grogrocery para sa mga kailangan sa bahay. Feeling nga niya ay asawa niya ito na pinagluluto niya ng breakfast at dinner. Pero kapag naaalala niya ang kondisyon sa kontra ay pinipigilan niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magkagusto sa amo niya. "Ang lalim yata nang iniisip ng magandang binibini," nakangiting bungad sa kan'ya ni Vince. "Sir! Kayo po pala," nakangiting sabi niya rito. "May problema ba, Judith?" seryosong tanong nito sa kan'ya. "Nako. Wala po, sir. Mabuti po at narito kayo? May kailangan po ba kayo kay Sir Lucas?" Sasagot na sana ito nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Lucas. "Vince, what are you doing here?" takang tanong ni Lucas dito. "Yayayain ko sanang mag-lunch itong napakaganda mong secretarya kung papayag ka," nakangiting sabi nito at kumindat pa sa kan'ya. Parang nakita niyang biglang nagbago ekspresyon ng mukha nito. "You don't need to ask me. Si Ms. De Dios nalang ang tanungin mo tungkol sa bagay na 'yan," "Oh! Iyon naman pala e. Ano, Judith? Huwag mo sana ako ipapahiya ah? Hindi 'yon kakayanin ng isang Vince Sebastian," nakangiting biro pa nito sa kan'ya. Dahil wala naman talaga siyang kasabay para mag-lunch ay pumayag na siya. Si Lucas ay may personal meeting dahil pinabakante nito ang oras hanggang alas dos ng tanghali. Bago umalis ay hindi man lang nagpaalam sa kan'ya ang boss niya. Ni hindi ito nagbilin sa kan'ya na dati naman nitong ginagawa. "Saan mo gustong kumain, Judith?" "Kayo na po ang bahala sir. Wala pa po kasi akong alam dito sa maynila." "Judith, pwede bang Vince nalang ang itawag mo sa akin? T'yaka ilang taon ka na ba?" "24 po." "26 pa lang ako kaya huwag mo na sana akong po-po in. Parang feeling ko kasi ang tanda-tanda ko na," ngiti pa nito. "Ah ganoon ba? S-sige," nahihiya pa rin na sabi niya. Kumain sila sa isang steak house malapit lang sa opisina para hindi na sila maipit pa sa traffic. Habang hinihintay nila ang pagkain ay nagtanong ito. "May relasyon ba kayo ni Lucas?" "Ha?" gulat na gulat na tanong niya. "I want you to be straight forward with me," seryosong tanong nito sa kan'ya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "Nako Vince, wala kaming relasyon ni sir. Ni hindi nga pumasok sa isip ko 'yang bagay na 'yan. Mabait lang talaga si sir sa akin." "You are with Lucas nang bumalik siya rito sa Manila, right?" Tumango siya. "Nag-away sila ni Beatrice nang mga panahong 'yon. Bigla nalang kasi itong umurong sa kasal." Bigla naman napakunot ang noo niya. "Nakipaghiwalay kay Lucas si Beatrice." "Vince, bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" naguguluhang sabi niya rito. "Bata palang kami, ako, si Lucas at si Beatrice ay magkakasama na kami. Sabay-sabay kaming lumaki. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Para ko ng kapatid Beatrice. Kaya ayoko siyang masaktan." "Hindi ko pa rin maintindihan," mas lalo siyang naguluhan sa mga sinasabi nito. "Alam kong sa bahay ka ni Lucas nakatira." Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ito. "Gusto kong umalis ka sa bahay ni Lucas. Ako ng bahala sa bahay na lilipatan mo." "Sandali lang, Vince. Si Lucas ang amo ko rito. Siya ang nagdala sa akin dito sa Maynila. Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. At hindi ako aalis doon pasensiya na," seryosong sagot niya rito. "Ano na lang ang iisipin ni Beatrice kapag nalaman niyang doon ka nakatira?" "Hindi ako aalis doon hanggat hindi si sir ang nagpapaalis sa akin," matigas na sabi niya. "Magkano ba ang kailangan mo para umalis ka na ng tuluyan?" "Sir Vince, nasabi ko na po. Hindi ako aalis doon. Salamat." At mabilis na siyang tumayo. Iniwan niya ito at naguguluhang bumalik sa trabaho. Akala niya ay pwede niyang maging kaibigan ito ngunit nagkamali siya. Mag-aalas tres na nang makabalik sa opisina si Lucas. "Goodafternoon, sir," nakangiting bati niya rito pero hindi man lang siya tinapunan nito ng tingin, dire-diretso lang itong pumasok sa loob ng opisina nito. Labing limang minuto lang ang nakakaraan ay may dumating na isang babae. Sopistikada ito, matangkad at maputi. "Who are you? Where's Maris?" taas kilay na tanong nito sa kan'ya. "Ako po ang bagong secretary ni Sir Lucas, wala na po rito si Maris." "Is Lucas here?" Nang tumango siya ay dire-diretso itong pumunta sa pintuan ng opisina nito pero mabilis niya itong pinigilan. "Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok. May appointment po ba kayo? Pwede po bang malaman ang pangalan niyo?" "Seriously? You don't know me? I'm Beatrice Lopez, Lucas's fiancee. So don't block my way!" Saglit naman siyang natigilan. Nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss niya. "What are you doing here?!" tanong dito ni Lucas habang nakatingin sa babae. "Babe, please. Let's talk" malungkot na sabi ng babae. "Sir pasensiya na po. Pinipigilan ko pa siyang pumasok pero--" "Shut the fvck up!" sigaw sa kan'ya ng babae kaya hindi na niya natapos ang dapat ay sasabihin niya. "Hey!" Galit na hinila ni Lucas ang isang braso nito bago bumaling sa kan'ya "It's okay, Judith. Please do cancel all my appointments for today. And no visitors." At tuluyan na nitong hinila sa loob ang babae at mabilis na isinara ang pinto. Wala sa sariling napaupo siya sa mesa niya. Nang bigla nalang lumabas si Beatrice sa opisina ni Lucas na umiiyak at patakbong umalis. Ano ba talagang nangyayari? Ilang sandali pa ay lumabas din si Lucas at patakbong umalis. Mag-aalas-sais na pero hindi pa rin ito bumabalik sa may opisina kaya napagpasyahan niyang umuwi nalang mag-isa. Mabuti na lang at nakabisa niya na ang daan pauwi. Mag-aalas siyete na ng gabi nang makarating sa bahay. Pero naalala niyang wala pala siyang dalang susi. Paano na ako papasok ngayon? Nangangawit na rin siya sa pagkakatayo. Umupo siya sa may gilid ng gate at tinanggal ang sapatos na suot at hinilot-hilot ang paa. Ilang oras pa siyang naghintay pero walang dumarating na Lucas. Lamok na lamok na siya. Hinubad niya ang blazer at ginawang kumot sa katawan habang nakasandal na nakaupo sa may gate. Hindi niya namalayang nakatulog siya at naalimpungatan nang maramdamang may bumubuhat sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD