Chapter 2

1148 Words
Kinabukasan ay ang unang araw niya sa trabaho. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Sinabi nito na magsuot siya ng formal na damit. Mabuti nalang at may mga damit siyang ganoon. Isang red blouse at highwaist skirt na above the knees ang suot niya. Hindi sa pagmamayabang pero kahit hindi siya ganoong kaputian ay talaga namang magaganda ang legs niya. Hinayaan niyang nakalugay ang brownish niyang buhok na may pagkakulot sa ilalim at naglagay siya ng pulang lipstick. Pagkalabas ay nandoon na si Sir Lucas. Sandali itong natigilan at natulala. Pero kaagad din siya nitong niyayang umalis na. Pagkababa ng kotse ay talagang napakalaki ng building na pinasukan nila. Lahat ng taong madaanan nila ay binabati ito. "Maris is my secretary, instead of being an assistant. You will be my secretary. Maris is on her indefinite leave fixing her broken heart," at kumindat ito sa kan'ya. Kaagad naman siyang namula dahil sa ginawa nito. "Kinakabahan po ako, sir," pag-amin niya rito. "You don't have to. Maris will teach you all the things you need to know." Nang dumating ay agad siyang ipinakilala nito. "Hi goodmorning, boss!" bati kay Lucas ng babae. "Goodmorning. So Maris, this is Ms. Judith De Dios." "Hi Ms. De dios, I am Marisol Dizon, but you can just call me Maris," ngiti nito sa kan'ya sabay lahad ng isang kamay. Nakangiti naman niya itong iniabot "Judith nalang po, nice to meet you," "Okay. So Maris, I want you to teach her how to do all the things she needs to know. Okay?" Mabilis namang tumango at ngumiti si Maris dito "Yes, boss! I'll take care of her," "Okay thank you," at humarap ito sa kan'ya "I'll leave you with her." At mabilis na itong umalis at pumasok sa opisina nito. "May something ba sa inyo ni boss?" nakangiting tanong ni Maris sa kan'ya pagkapasok ni Lucas sa may opisina nito. "Naku wala po! Talagang mabait lang si sir," tanggi niya rito, ni minsan ay hindi niya naisip na magkakagusto ito sa kan'ya. "Sabagay, mabait talaga 'yang si boss. Pero iba kasi 'yong mga tingin niya sa iyo e. Pero anyways. Let's start!" energetic na sabi nito. Maraming bagay na itinuro sa kan'ya si Maris, sa mga schedules, appointments, meetings, out of towns at ang mga karaniwang ginagawa ng isang secretary. Hindi niya namalayang alas-dose na pala. "It's already lunch time, don't starve my new secretary" nakangiting sabi ni Lucas na hindi nila namalayang nasa harapan na pala nilang dalawa. "Yes, boss. Actually palabas na nga kami, sabay sana kaming mag-lulunch nitong si Ms. De Dios," nakangiting sagot ni Maris. "Alright, eat well guys. I'll go ahead," sabi nito at nagpaalam na sa kanilang dalawa. "Siguro pupuntahan na naman ni boss 'yong Beatrice na impaktang 'yon!" inis na sabi ni Maris nang makaalis ito. "Sino naman si Beatrice?" curious na tanong niya habang nakakunot ang mga noo. "Ahh wala," at mabilis itong umiwas ng tingin sa kan'ya. Niyaya siya ni Maris sa may pantry ng kompanya. Dinala siya nito sa isang grupo na kumakain. "Guys. I'd like you to meet Ms. Judith De Dios, our boss new secretary," masayang pakilala sa kan'ya ni Maris sa mga ito, halos mahiya siya nang sabay-sabay na tumingin sa kan'ya ang lahat. Mabilis naman siyang ngumiti sa mga ito. Agad din naman siyang binati ng mga ito. "Judith! Dito ka na umupo!" yaya sa kan'ya ng isang lalaking na nasa may dulo. Infairness gwapo ito at mukhang mabango. "Sir Vince! Umiral na naman iyang pagka-playboy mo!" biro ni Maris dito at mabilis na bumaling sa kan'ya "Siya si Sir Vince Sebastian, pinsan siya ni boss," Ahh kaya naman pala gwapo rin Tumayo pa iyong tinawag na Sir Vince at pinaupo siya sa may tabi nito. Tuksuhan tuloy ang mga kasama nila. Sila ang pinakamaingay na grupo na kumakain roon. Mukhang hindi naman siya mahihirapang pakisamahan ang mga tao roon dahil mukhang mababait naman ang mga ito. "Judith," biglang tawag sa kan'ya ni Vince. Napatigil siyang kumain at bumaling dito. "Sir?" "Saan kayo nagkakilala ng pinsan ko?" nakakunot na noong tanong nito sa kan'ya. "Ah--eh" nag-aalangan pa siya. Sasabihin ba niyang tinulungan siya nito dahil napagkalaman siyang magnanakaw? "It's okay kung ayaw mong sabihin," at ngumiti ito ng malapad. Ngumiti lang din siya rito. Ilang minuto lang ay inaya na siya ulit ni Maris na bumalik sa trabaho. Malapit ng mag alas-singko ng hapon nang dumating ang boss nila. "Are you done with your training?" tanong nito sa kan'ya. "Yes, sir," nakangiting sabi niya rito. "Hindi ka naman ba pinahirapan nitong si Maris?" "Naku, boss. Napakadaling turuan niyang si Judith," biglang singit naman ni Maris. "That's good to hear. Let's go. Let's take dinner my treat," ngiti nito sa kanilang dalawa. "Naku, boss. Pass muna ako riyan, ha? May importante pa kasi akong lalakarin. Kayo nalang dalawa nitong si Judith at siguradong gutom na rin 'yan." Agad namang tumango si Lucas at hindi na pinilit pa si Maris. Sa may isang Italian Restaurant siya dinala ni Lucas. "Sir, hindi ba parang nakakahiya na? Ang laki na nga po ng itinulong niyo sa akin para magkatrabaho at pinatira niyo pa po ako sa bahay niyo," nakayukong sabi niya rito. "Nah, don't mention it. I'm happy on what I'm doing, and it's my own way of welcoming you on my company. I want you to be more comfortable with me lalo na ngayong ikaw na ang magiging secretary ko," nakangiting sabi nito na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito. "Thank you, sir. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi sa iyo," nahihiya pang sabi niya. "In time," ngiti pa nito sa kan'ya. Halos hindi na siya makahinga sa dami ng inorder nito na akala mo ay may fiesta. Pinilit pa niya itong itake-out nalang ang mga hindi nila nakain para initin nalang niya ito. "Judith," tawag nito sa kan'ya nang akmang papasok na siya sa kwarto niya. "Ano po 'yon, sir?" Tinitigan lang siya nito at matagal bago nagsalita at umiling "Nothing. Goodnight, Judith." At pumasok na rin ito sa loob ng kwarto nito. Nagtataka tuloy siya nang pumasok sa kwarto. Naglinis siya ng katawan at humiga na. Hindi niya akalaing mapapadpad siya rito sa Maynila at tutulungan ng isang Lucas Sebastian. Nakatulugan niya ang pag-iisip. Nagising siya ng bandang alas-sais ng umaga. Nagluto kaagad siya ng agahan pagkatapos ay naligo at nagbihis na. Mag aalas-otso na nang bumaba si Lucas at nakabihis na rin ito. She was froze for a moment. Napakagwapo talaga nito kahit saang ang gulo mo pa tignan. "Goodmorning, Judith," ngiting bati nito nang makita siya. "Goodmorning, sir. Kain na po kayo." "Come on join me," yaya pa nito sa kan'ya. Nang hindi siya magsalita ay tumayo ito at hinila siya papaupo sa isang upuan. "Come on. Tayo nalang ngang dalawa rito hindi mo pa ako sasabayan." Wala na tuloy siyang nagawa at kumain na rin kasabay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD