CHAPTER- 47

2759 Words

HAMPAS NG LATIGO CEZAR POV. KAHIT gustuhin ko pang manatili sa mansion nila, wala na akong ibang dahilan para magtagal. Kailangan kong umalis… hindi lang dahil nakatanggap ako ng isang urgent message, kundi dahil kapag hindi ako nakabalik ngayong araw, tiyak na tuluyan nang mabubunyag ang tunay kong pagkatao. Hindi na ako nagpaalam, lalo na kay Ms. Janine Roice. Baka hadlangan niya ako… at kapag nangyari iyon, baka hindi ko na kayanin lumayo. Pero sino nga ba ako sa buhay niya para pigilan niya ako? Sa lahat ng nangyari, isang bagay lang ang hindi ko malilimutan… ang sinabi ni Mr. Jay Royz. Tinanong niya ako kung may kakambal daw ako, dahil kamukhang-kamukha ko raw ang ex-boyfriend ni Ms. Janine Roice. At nang tanungin ko kung nasaan ang lalaking iyon… matagal na raw patay. Napangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD