ANG MASAKIT NA MGA ALAALA JANINE ROICE POV. NAGTATAKA ako kung bakit sinabi ni Daddy na kasama raw ni Jay Royz si Mr. Cezar. Ano na naman kaya ang pupuntahan ng dalawang ‘yon? Hindi ko maiwasang kabahan, lalo’t hindi naman sila basta nagkakasama kung walang seryosong dahilan. Naputol ang aking pag-iisip nang mapansin kong muling nag-vibrate ang cellphone ko. Ilang ulit na itong tumunog, at paulit-ulit na pangalan ni Rowella ang lumilitaw sa screen. Hindi ko talaga kayang sagutin… hindi muna ngayon. Simula nang ipaalam sa akin ni Daddy na isa raw si Rowella sa mga taong pinagdududahan niya, may lumitaw na galit sa aking dibdib… panghihinayang naman sa pagkakaibigan naming dalawa. Para bang iisa lang ang iniisip ni Daddy at Mr. Cezar… hindi ko makalimutan ang malamig na sagot ni Mr. Cez

