PAGRERETO SA ANAK RUINS POV. HANGGANG ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang asawa ni Sid. Kahit maraming beses ko siyang hinahanap… bigla ang pagkawala, parang usok na biglang naglaho sa hangin. Wala ring balita kung buhay pa ba siya o tuluyan nang naglaho sa mundo. “Ninong ko…” mahinahong tawag niya, habang nakatitig sa akin. “Lagi kitang napapansin, lately tahimik ka… may pinoproblema ka ba? Tungkol ba sa anak natin?” Umiling ako, pilit na ngumiti, bago ko siya mahigpit na niyakap. Dama ko sa yakap ko sa kanya ang unti-unting pag- usbong na pangamba. Hindi nito mapigil ang pagdaloy ng mga isipin ko. Minsan, sumasagi sa utak ko… sampung taon pa, baka hindi ko na kayang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng aking asawa. Bata pa si Jamillah, puno ng sigla, malusog, kaakit-akit. Hindi k

