LUISA POV. TUTOL ang loob ko na sumabay sa sasakyan ni Mr. Jay Royz, ngunit baka makahalata si Arnold. Kaya wala akong imik na sumunod sa kanila ng kanyang driver. Ni hindi ako nagsalita kahit nang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad din siyang umikot s akanila at sumakay. Bago pa niya ako kausapin, binuksan ko ang aking tablet at isa-isang ni-review ang mga output ko. Ngunit bigla niyang inagaw iyon mula sa kamay ko. “’Akin na nga ’yan, may ginagawa ako,” sabi ko. “Wala kang ginagawa. Ayaw mo lang talaga akong kausapin at sinasadya mo akong hindi pansinin.” “Ano ba ang sasabihin mo?” “’Di ba nag-usap na tayo? Ngayon ang lipat mo sa bagong accommodation.” “Oo, pero hindi pa ako nakapagpaalam kay Arnold. Bakit kasi pumunta kayo? Kanina sana ang pagkakataon ko para makausap siya, pero

