KABANATA 18: ILANG BESES NA AKONG NAPAISIP kung saan ko nga ba narinig ang pangalang Miguel. Popular naman ang pangalang 'yon kaya hindi dapat ako magtaka na pamilyar sa akin ang pangalan pero hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ako kung mag-isip. Ganito rin ang naramdaman ko n'ong sabihin ni Denzel ang pangalan niya sa akin n'ong araw na sinabi niya sa akin ang pangalan niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naipagkukumpara ko silang dalawa. Mayroon silang magkaparehong awra pero mas malakas lang ang kay Miguel. Si Denzel, noong una kong nakita, naroon iyong kabang pakiramdam pero nang maging malapit kami sa isa't isa, nawala iyon. Siguro magiging gano'n din ang pakiramdam ko sa oras na maging malapit na kami n'ong si Miguel. Pero imposible namang maging close kami n

