CHAPTER 5

2873 Words
“Anak?” tawag sa’kin ni mommy at marahan naman siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. May bitbit siyang isang platitong cookies na may kasamang juice. Kasalukuyang gumagawa ako ng assignment at hindi ko na namalayan ang oras. Ipinatong niya lang ito sa side table at inihinto ko muna ang ginagawa ko. “Hi mom!” masayang bati ko sa kaniya. She sat on the edge of my bed and I faced her. She smiled at me and caressed both of my palms. No wonder why daddy is still in love with mom because apart from being caring, she is also a loving mother to us. I really adore her, at higit sa lahat sobrang mahal naming magkakapatid si mommy. I want to be like her na kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ay aalagaan ko rin sila tulad nang pag-aalaga niya sa amin. “It’s weekend baby, dapat nag-eenjoy ka muna kasama ang mga kaibigan mo,” masayang wika naman niya. Tumabi ako sa kaniya at inihilig ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. I love her scent and till now bine-baby pa rin niya kaming magkakapatid. Si Jk lang ang natatanging ayaw ng ganoon dahil bukod sa masungit na parang laging inis pa ito. Ang sabi nga ni mommy ganoon na ganoon daw si daddy noong makilala niya ito at tanging babae lang ang makakapagpabago sa matigas nitong puso. “Mom, wala akong gana. I want to stay here at my room and doing my assignments and read some books” “Okay baby, sasabihin ko na lang kay Ulysses na busy ka ngayon at ayaw mong lumabas ng kuwarto.” Tila nabuhay naman ang dugo ko pagkasabing iyon ni mommy. Mabilis akong napatayo at gulat siyang tinitigan. Malapad namang ngumiti siya sa’kin at parang alam na niya na ganoon ang magiging reaksyon ko pagdating kay Ulysses. “He’s here?” nakamulagat kong saad sa kaniya. “Hmmn, actually yayayain ka raw niyang lumabas ngayon. Pero sabi mo wala kang gana kaya__” “Why you didn’t tell me right away mom?” Kunwa’y tampo ko at nakanguso pa sa kaniya. Mahina naman siyang tumawa at tumayo sa aking harapan. Kita ko ang kislap sa mga mata ni mommy na para bang may ibig itong sabihin. Hindi ko alam kung alam ba ni mommy na may gusto ako kay Ulysses noon pa man dahil kapag binabanggit ko siya noon ay iba ang kaniyang reaksyon. “Sige na anak magbihis ka na at naghihintay na sa ibaba si Ulysses.” Hinalikan niya pa ako sa aking noo bago siya tumalikod. “Mommy,” tawag ko pa sa kaniya bago pa siya lumabas ng kuwarto. “You knew?” Ngumiti lamang siya at saka ako nito kinindatan at pagkuwa’y tuluyan nang lumabas ng aking kuwarto. Kung si daddy ang makakaalam nito panigurado katakot-takot na sermon ang sasabihin nito sa’kin. Mabilis naman akong kumilos at naghanap ng masusuot sa walk-in closet ko. Lahat na yata ng damit ay nailatag ko na sa sahig pero wala pa rin akong mapiling damit. Nakita ko naman ang isang croptop jacket na kulay black at iyon na lang ang isusuot ko na niternuhan ko ng faded jeans at white rubber shoes. I checked myself at the mirror and I smiled widely because he asked me out again since we separate the school we attended. Nasilayan ko naman siyang kaagad mula rito sa itaas at nakaupo naman siya sa mahabang sofa at inililibot ang paningin sa buong bahay namin. He’s very much welcome here whenever he visits, at karaniwang nakakausap naman niya ang daddy ko kapag dumadalaw siya rito. Feeling ko magugustuhan din siya ni daddy kapag nalaman niyang si Ulysses pala ang manliligaw sa’kin. Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako at nakikinita ko na hindi naman tututol si daddy sa kaniya. Marahan akong bumaba habang pinagmamasdan siya at napaka-guwapo niyang tingnan sa simpleng suot nito. Kahit na hindi mamahalin ang mga isinusuot niya ay bagay din naman sa kaniya at mas gusto ko ang pagiging simple nito kahit sa ano mang bagay. Napalingon na lang siya sa’kin nang makababa na ako at tumayo naman siyang kaagad at nilapitan ako. Malapad siyang ngumiti at pansin na pansin ang magandang dimples nito sa kaliwang pisngi niya. Wala ako sa sarili kong nakagat ang ibabang labi ko at hindi ko namalayang nagdugo na pala ito. “Hey Madie are you okay?” saad niya at nakatingin sa ibabang labi ko. Kaagad ko naman pinunasan ang konting dugo roon at pilit lang na ngumiti sa kaniya. Medyo nahiya ako dahil baka kung ano pa ang isipin niya. “O-okay lang, wala ito may nakaalala lang siguro sa’kin.” Bago pa siya magsalita ay biglang dumating naman si Jk at nakasuot pa ito ng damit pangbasketball. “O Ulysses long time no see,” bati ni Jk sa kaniya at tinapik naman siya nito sa kaniyang balikat. “Napadaan lang ako at yayayain ko lang itong kaibigan ko lumabas.” Tumingin sa’kin ng makahulugan si Jk at muling binalingan si Ulysses. “I don’t think if she’s same as you” “Anong ibig mong sabihin Jk?” takang tanong niya pa sa kapatid ko. “Let’s go Ulysses.” Niyaya ko na kaagad siya dahil baka kung ano pa ang masabi niya rito, sadyang may kadaldalan din ang kapatid kong iyon. Nagpunta kami sa isang malaking park na madalas naming puntahan noon kasama sina Nina at Ellaine. Dito rin kami madalas kumakain ng mga street foods habang pinapanuod ang fountain na tila sumasayaw at nag-iiba ng mga kulay. Naupo naman ako sa damuhan at hinihintay si Ulysses na bumibili ng makakain namin. Nasilayan ko naman siya na pabalik na at bigla na lamang may humarang sa kaniya na dalawang babae. Hanggang ngayon pa rin talaga ay lapitin pa rin siya ng mga kababaihan at hindi na ako magtataka roon dahil malakas naman ang dating niya. Bigla namang sumagi sa isip ko si Jeremy, halos pareho rin silang lapitin pero ang pinagkaiba nga lang ay babaero ang ipis na si Jeremy at walang modo. Napakrus na lang ako ng aking mga braso at nakaramdam na naman ako ng inis. “Bakit ang haba na naman ng nguso mo?” Napatingin akong bigla sa kaniya nang makaupo na siya at inilipag na sa harapan namin ang mga binili niyang pagkain. “H-ha? Wala may naalala lang ako na nakakainis” “Iyong lalaki ba na kasama mo noon?” tumango lamang ako at tipid na ngumiti. “Iwasan mo siya dahil baka may masama siyang balak sa’yo at ayoko na nakikipagkaibigan ka sa ganoong klaseng tao.” Napatulala na lang ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Pansin ko sa itsura niya na parang nainis din siyang bigla nang mapag-usapan namin si Jeremy. Hindi kaya nagseselos siya? Ayaw niya akong makipagkaibigan sa ibang lalaki dahil nagseselos siya? Naalala ko ang post niya sa social media at parang gusto kong itanong kung sino ang tinutukoy niya roon. “Siyanga pala Ulysses may itatanong sana ako sa’yo” “Ano ‘yon Madz?” Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita. “Iyong post mo sa social media.” Napahinto ako sa aking sasabihin dahil hindi ko alam kung paano ba iyon itatanong sa kaniya. “Ah, iyon ba?” Ngumiti naman siya at titig na titig siya sa’kin. Ang titig na ‘yon ang hindi ko kayang tingnan. Para ba akong malulusaw at para akong hihimatayin sa kaba. Ibig ba nitong sabihin na ako ang tinutukoy niya? Magtatapat na ba siya? Paano kung sabihin niyang manliligaw na siya ano ba ang isasagot ko? “As I said to you last time, she’s my childhood crush until now. And I really do love her. Magtatapat ako sa kaniya kapag dumating na ang tamang panahon and if she’s a lady.” Bumilis bigla ang t***k ng puso ko pagkatapos niyang sabihin iyon. One month na lang ay ganap na akong dalaga at ako ba talaga ang tinutukoy niya? Napaiwas na lang ako sa kaniyang mga titig at gusto kong magsisigaw sa tuwa dahil sa wakas ay hindi lang ako ang nagmamahal sa kaniya, pareho rin pala kami ng nararamdaman. Pagkatapos naming kumain at maglibot sa park ay inihatid na rin niya akong kaagad ayaw niya raw kasing masira sa mga magulang ko. Sobrang laki ng respeto niya rito kaya no wonder kung ba’t din siya gusto ni daddy. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang magring naman ang telepono ko at nakita kong si Ellaine ang tumatawag. Masaya ko pa itong sinagot dahil ibabalita ko sa kaniya ang magandang nangyari sa’kin ngayong gabi. “Hi friend! Alam mo ba__” “Gosh Madz may nabalitaan ako!” Putol naman niya sa sasabihin ko. Napairap pa ako at sumandal sa malaking gate namin. “Ano na naman ‘yan?” “Si Jeremy nakita namin kanina!” “E ano ngayon? As if I care ‘no?” “Ngayon lang namin siya nakitaan ng ganoon katiyaga maghintay sa labas ng resto bar,” gulat pa nitong kuwento sa’kin sa kabilang linya. “So?” Nakataas pa ang isang kilay ko na animo’y nakikita ng kaibigan ko. “Ang sungit mo naman Madz! May regla ka ba? Alam ko hindi ka interesado kay papa Jeremy. Dahil interesado ako ikukuwento ko pa rin sa’yo. Kasi ganito ‘yon may nakapagsabi na may bagong dine-date daw si Jeremy at magkikita raw sila ngayon. And who’s that lucky girl na naman kaya ang__” Bigla kong pinutol ang tawag at naalala ko na ngayon nga pala ang ipinangako kong date sa kaniya. Tiningnan ko ang wrist watch ko at pasado alas diyes na ng gabi. Sigurado rin naman ako na wala na siya roon dahil alas syete ang usapan namin. Tiningnan ko naman ang cellphone ko at wala ring text o tawag niya man lang kaya siguro ay nainip ito at umalis na lang din. Siguro ay titigilan na niya ako dahil alam naman niya na hindi ako interesado sa kaniya at wala naman akong balak na makipagdate sa kaniya. Pumasok na ako sa loob at nagtungo na rin sa aking kuwarto. Kakatapos ko lang din maligo at nakapagpalit na rin ako ng pantulog ko. Kinuha ko ang telepono ko na nasa ibabaw lang ng kama at nakita kong marami na itong unread messages. Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa kanilang pinag-uusapan. I got out from my room without hesitation and go where he is. Habang nasa taxi ako ay nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. It’s my fault, at sana ay maabutan ko pa siya roon. Mabilis akong bumaba ng taxi at hinahanap naman kung nasaan siya. sarado na ang resto bar kung saan dapat kami magkikita. Dinial ko naman ang number niya pero out of coverage na ito. Nagpalinga-linga pa ako at nagbabakasali na makita ko siya sa paligid pero halos wala ring tao sa lugar na ito. “Baby Madie.” Napalingon ako at nakita ko siya na may sugat ang mukha at putok ang ibabang labi nito. Unti-unti siyang lumapit sa’kin at sadyang nakatingin lamang ako sa kaniya. Bigla akong nakaramdan ng awa dahil sa sinapit niya. Nabalitaan ko na binugbog raw siya ng mga hindi kilalang estudyante, pero ang pinagtataka ko kung bakit hindi ito lumaban tulad ng mga nababalitaan ko. “I’m glad you came. Are you hungry? Let’s go.” Lalagpasan na sana niya ako nang pigilan ko siya sa kaniyang braso. “What happened?” may pag-aalala kong turan sa kaniya. “Makakapunta ka pa kaya kung hindi ako nabugbog?” Unti-unti ko naman siyang binitawan at nakaramdam ako ng guilt. “Bakit kasi hindi ka nagtext man lang o tumawag?” “Because I know you’re going” “Paano kung hindi?” “Maghihintay pa rin ako hanggang sa dumating ka.” Natigilan akong bigla. Ano bang nagustuhan sa’kin ng ipis na ‘to at ginugulo niya ‘ko? Alam ko naman na ihehelera niya lang ako sa mga babaeng naloko niya at pagkatapos ay ibabalita niya na isa ako sa naging biktima niya. Puwes kung gusto niya makipaglaro e ‘di sige pagbibigyan ko siya pero hindi niya ako makukuha ng buo. “Tara na umuwi na lang tayo dahil sarado na naman ang resto bar na ‘yan.” Pagbabago ko na lang ng usapan. “Who told you? It’s not close yet.” Tiningnan ko ang loob nito at may nakabukas namang ilang ilaw roon. Hinila na niya ako papasok doon at pinaupo na niya ako. Nilibot ko ang paningin ko at namangha dahil sa ayos noon. Ang ilan ay may picture ng isang magandang babae at kasama naman nito ang isang batang lalaki na wari ko’y nasa dalawang taon pa lamang. “That’s my mom.” Mabilis akong napalingon sa kaniya at may dala na siyang isang tray na iba’t-ibang uri ng pagkain. “Sa inyo itong resto bar na ‘to?” Gulat ko pang tanong sa kaniya. “My mom owns this. But unfortunately my dad manage this resto bar” “Where is she?” Hindi siya sumagot at sumandok lang ng pagkain sa plato. Iinilapag niya ito sa harap ko at sumandok na rin ng kaniya. Pinapanood ko lang siya habang kumakain siya at pansin ko na ayaw niyang pag-usapan ang mama niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita kung anong pagkain ang inihain niya. “Why? You didn’t like it? Ipagluluto na lang kita ng bago.” Tila napansin naman niya ang reaksyon ko. “It’s not that I don’t like it. Hindi kasi ako kumakain ng seafoods may allergy kasi ako” “O baka may allergy ka sa’kin dahil ayaw mo lang akong makasama?” Napairap na lang ako at pinag-krus ko pa ang aking mga braso. “Pati sa’yo may allergy din ako. Bakit ba kasi ginugulo mo ‘ko? Tatapatin na kita. I don’t like you, kahit na gaano ka pa kaguwapo hindi kita magugustuhan. I don’t like your attitude because you’re totally a player.” Tumayo na ako at tinalikuran na siya para lumabas na ng restaurant. Napasinghap na lang ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking leeg na siyang nagpatayo ng balahibo ko sa katawan. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at nanatili lang akong nakatulala. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa’kin kanina ni Ellaine. Pero hindi iyon mahalaga alam kong pakitang tao lang niya iyon para makuha niya ang gusto niya at alam kong ginawa niya rin ito sa mga naging babae niya, hindi pa ako tanga para maniwala sa isang katulad niya. Hindi ko naman maiwasang ipagkumpara si Ulysses kay Jeremy, pareho silang guwapo pero magkaiba ng pag-uugali. “Please stay Madeline. Stay with me for a while,” he said in a husky voice. Para akong manlalambot nito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Maya-maya’y kumalas na rin siya sa pagkakayakap at pinihit naman niya ako paharap sa kaniya. Iyong mga mata na parang nagungusap at hindi ko mapigilang hindi titigan iyon. He’s big doe eyes says it all, he’s a total package. Guwapo, matangkad, sikat sa buong campus, mayaman pero masama ang ugali. Pero sa nakikita ko sa kaniya ngayon parang may tinatago siyang kalungkutan. “I know that you care Madie” “W-what?” takang tanong ko sa kaniya. “You rush here without knowing that you’re wearing different slippers.” Napatingin ako sa suot kong tsinelas at napagtanto kong magkaiba ang suot ko. Wala ako sa sariling napatapik sa noo ko at napansin pa ito ni Jeremy baka isipin pa ng ipis na ito na nagkakagusto na ‘ko sa kaniya. Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at napaatras naman akong bigla at nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang tingin niya sa aking mga labi. “Who bite your lips?” wika niya habang nakatitig sa mga labi ko. “A-ano?” Hinawakan niya ang ibabang labi ko at sa gulat ko ay malakas ko siyang naitulak. Naalala ko naman na nakagat ko ito dahil kay Ulysses. Napabuga na lang ako sa hangin at inilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang baywang ko at hinarap siya. “Ano bang pakialam mo? Saka nakagat ko ‘yong labi ko ng hindi sinasadya, pati ba naman ito pakikialaman mo?!” singhal ko sa kaniya. “Just to make sure na walang ibang magmamay-ari niyan.” Napamulagat akong bigla sa kaniyang sinabi. “Let’s go baby Madie ihahatid na kita sa inyo. Next time matino na ang magiging date natin” Nauna na siyang lumabas ng restaurant at ako naman ay naiwang nagngingitngit sa galit. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagpunta ko rito e ‘di sana pinaghintay ko na lang siyang dilat ang mga mata at pinapapak ng mga lamok sa labas. “Okay fine I’m gonna play with you Mr. Villafuerte, tingnan natin kung hanggang saan ang pasensya mo sa’kin,” may diing saad ko sa aking sarili bago tuluyan na ring lumabas ng resto bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD