“Madeline!” sigaw ni Ellaine at patakbo niya akong nilapitan.
Umangkla pa siya sa isang braso ko at sa kabila naman si Nina. Nagulat na lang ako nang kaladkarin nila ako patungong gym at rinig ko na kaagad ang sigawan ng mga tao na nasa loob habang papalapit naman kami roon.
“Teka nga muna bakit niyo ba ako sinama rito? Ano bang gagawin natin dito?” inis kong turan sa dalawa.
Hinarap naman ako ni Nina at pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso at maloko nito akong nginitian. Alam ko na ang mga ganoong ngiti, may binabalak na namang kalokohan ang dalawang ito kaya napaikot na lang ang mata ko sa ere.
“Malamang manonood ng basketball! Alangang mamamasyal tayo sa gym,” pilosopong saad ni Nina.
“Wala akong hilig d’yan kayo na lang ni Ellaine ang manuod.” Tatalikod na sana ako nang mabilis naman hawakan ni Ellaine ang isang braso ko.
“Kahit ayaw mong manuod sumama ka na lang sa’min”
Napabuntong-hininga na lang ako at pinanliitan siya ng mata. “It’s so loud Ellaine, and besides I want to go home and sleep”
Iyon naman talaga ang totoo. Gusto ko lang umuwi na at matulog sa bahay dahil hindi lang naman ako pinatulog ng ipis na ‘yon at iniisip kung sino ang nagbigay sa kaniya ng number ko. May sumagi naman sa isip ko at baka ang dalawang ito ang nagbigay sa ipis na ‘yon ng number ko. Pero naisip ko na kung sila ang nagbigay noon ay kanina pa nila ako tinanong kung bakit hinihingi ni Jeremy ang number ko.
Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. “May itatanong sana ako sa inyong dalawa”
Ngunit bago pa nila ako sagutin ay sabay na nila akong hinila sa loob ng gym. Mas lalong narindi ang tainga ko dahil sa kaliwaang hiyawan ng mga estudyante. Pumwesto kami sa malapit sa harapan at napansin ko na grupo pala ni Jeremy ang mga naglalaro. Hindi na ako magtataka kung bakit punong-puno ng mga nanunuod dito at iyon ay dahil kay Jeremy.
“Oh my God grabe! Ang guwapo talaga ni papa Jeremy!” Kinikilig na turan naman ni Ellaine.
Napapailing na lang ako dahil para silang bulate na binudburan ng asin dahil sa sobrang kilig. Ewan ko ba kung ano ang pinalamon ng ipis na ‘yon sa mga babae rito at kulang na lang ay sambahin siya.
Napapalingon na lang ako sa paligid at napansin ko ang ibang estudyate na halos magmukha na silang clown dahil sa sobrang kapal ng make-up at ang iba naman ay kulang na lang bra at panty ang isuot dahil sa ikli ng kanilang mga damit. Napatapik na lang ako sa aking noo at parang lalong sumakit ang ulo ko dahil sa mga nakikita ko sa paligid.
Wala naman akong ibang choice kun’di manuod na lang din ng laro dahil mahihirapan akong makatakas sa dalawang ito dahil nasa magkabilang gilid ko sila. Nang makapuntos si Jeremy ay mas lalong umingay ang gym at ang cheering squad naman na nasa pinaka-likod ay malakas na tinambol ang kani-kanilang hawak na drum.
Hindi mapagkakailang magaling siyang maglaro, pero higit sa lahat magaling din maglaro ng mga babae. I never imagined that him being my boyfriend gives me chill over my body. Ang tulad ni Ulysses ang pinapangarap ko na maging boyfriend pagdating ng tamang panahon at ipapakilala ko kina mommy at daddy at tiyak kaagad na magugustuhan ni daddy si Ulysses dahil sa ugali nito.
Parang bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang huminto siya sa pagtakbo at humarap kung saan kami naka-puwesto. Napalunok pa akong bigla nang unti-unti siyang lumalapit at alam ko kung saan siya nakatingin. Napalingon ako sa dalawang kaibigan ko na gulat na gulat din at sabay pa silang napatutop sa kanilang mga bibig. Mariin ko namang kinagat ang ibabang labi ko at huwag lang sanang magkakamali ang lalaking ito na banggitin ang pangalan ko o ‘di kaya’y lumapit sa kinaroroonan ko panigurado ang dami kong maririnig sa mga babae rito na nakapaligid sa’min.
Inihilig niya pa ang kaniyang ulo at ngumis pa. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang kumindat pa ito at nag-flying kiss pa bago ito tumalikod. Napapikit na lang ako at marahan akong napatingin sa aking kaliwa at maang akong tinitigan ni Nina na mas lalo kong ikinakaba.
“My God Madz, mahihimatay na ba ako?” Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabing iyon ni Nina.
Iniharap naman ako ni Ellaine at pinanliitan pa ako nito ng mga mata at ilang lunok pa ang iginawad ko. Malakas makaamoy ang mga ito at tiyak hindi nila ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanila ang totoo.
“Madz, sabihin mo nga sa’kin. Sa akin ang halik na ‘yon ‘di ba?” Doon lamang ako nakahinga nang maluwag at tinanggal ko pa ang dalawang kamay niya sa aking balikat.
“Hindi ko alam dahil hindi ko naman siya tinititigan eh!” kunawa’y inis kong wika sa kaniya.
“Naku Ellaine ‘wag mo nang asahan ‘yang si Madeline dahil iisa lang naman ang guwapo sa paningin niya walang iba kun’di si Ulysses.” Napangiti na lang ako at tumango-tango pa bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Nina
“Hay naku Madz bawal ka pang mag-boyfriend dahil bantay-sarado ka ng daddy mo baka gusto mong maospital ngayon pa lang?” asar naman sa’kin ni Ellaine.
Hinarap ko siya at nginusuan. “Nagpaalam na ‘ko kay daddy and he agree”
Mabilis siyang napabaling nang tingin sa’kin at halata sa kaniya ang pagkagulat. “Talaga?! Si Tito Marco pumayag na magka-boyfriend ka na?!”
“Hindi naman actually pumayag magkaroon ako ng boyfriend, pumayag lang siya na ligawan ako”
“What?!” sabay pa nilang sabi sa’kin.
“Sino naman ang nagbabalak manligaw sa’yo?” takang tanong ni Ellaine.
“Saka ko na sasabihin sa inyo kapag nagtapat na siya sa’kin,” may halong kilig kong saad sa kanila.
Hindi naman magkamayaw ang hiwayan ng mga estudyante rito sa loob ng gym kapag nakakapuntos si Jeremy. Samantalang ako ay simple lang na nanunuod sa kanila at wala naman talaga akong hilig manuod ng mga ganito kapag hindi ko bet ang naglalaro.
Nang matapos na ang laro ay nauna na akong lumabas sa mga kaibigan ko dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala tumatawag si mommy. Panigurado ay kanina pa ako nito hinahanap hindi na rin kasi ako nakapagpaalam sa kanila dahil sa biglaang yaya ng dalawa kong kaibigan.
“Hello mom?”
“Anak, nasaan ka na? Kanina ka pa namin tinatawagan kaso hindi ka naman namin makontak,” may halong pag-aalalang wika ni mommy.
“I’m sorry po ma, may ginawa lang po kasi akong assignment sa library saka naka-silent din po ‘yong phone ko kaya hindi ko napansin.” Pagsisinungaling ko na lang dahil kapag nalaman ni daddy ang dahilan baka magalit siyang lalo.
“Okay sige anak, papunta na ‘yong driver diyan sa school mo pinasundo na kita dahil nag-aalala kami sa’yo ng daddy mo eh”
“Okay po ma, bye.” Ibinaba ko na kaagad ang tawag pagkasabi kong iyon.
Muntik ko na mahulog ang telepono ko pagpihit ko dahil nakatayo pala si Jeremy sa likod ko at nakasandal pa sa pader. Suot pa nito ang Jersey niya at medyo tumutulo pa ang pawis nito sa kaniyang katawan.
Kung iyong iba kapag pinapawisan ay nakakadiri at mabaho ang amoy, siya hindi. Mukhang mabango pa rin siya at hindi nakakadiring lapitan, kaya naman siguro maraming nahuhumaling sa kaniya.
“What are you doing there? Kanina ka pa ba riyan?” Nakataas pa ang isang kilay kong sambit sa kaniya.
“Yup! And I heard what you said to your mom”
“At bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?!”
“Hindi ko sadya, papunta na ‘ko sa locker room nang madaanan kita rito.” Inirapan ko na lang siya at nagpipigil lang ako ng inis sa ipis na ‘to. “Ako pala ang assignment mo.” Muli ko siyang binalingan at nakangisi naman siyang nakatitig sa’kin.
“What? Alam mo ikaw__” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko nang hilahin na lang niya ako sa dulo ng hallway na ito at nagtago pa kami sa pagitan ng mga pader.
Tinakpan niya pa ang bibig ko at sumilip pa nang bahagya sa labas. Tinanggal ko ang kamay niya at sinamaan siya nang tingin. Nagulat pa ako nang idikit niya ang sarili niya sa’kin at sumenyas pa na huwag akong magsasalita.
“Nasaan na ba ‘yang si Jeremy at bigla na lang nawawala?” Dinig kong sabi ng isang lalaki na wari ko’y teammate niya.
“Naku asahan mo may panibagong target na naman ‘yon!” sabay tawa pa ng iba pa niyang mga kasama.
Hindi na kataka-taka dahil kilalang-kilala siyang playboy sa buong campus. Tanga din naman ng babaeng magkakagusto sa kaniya at sa isang playboy at badboy pa ang magugustuhan nila. Kung sa bagay ay guwapo naman talaga at mahalaga lang sa kanila ang itsura kaysa ang pag-uugali nito.
Tinulak ko na siya nang makaalis na sila sa aming kinaroroonan. Sinamaan ko pa siya nang tingin at aalis na sana ako nang itukod naman niya ang palad niya sa pader na mas lalo kong ikinainis. Muli ko siyang binalingan at napaatras na lang akong bigla nang ilapit niya pa ang kaniyang mukha sa’kin.
His big doe eyes were staring intently at me. I was stunned at the moment and I stared into his eyes as well. Maya-maya’y umiwas na rin ako sa kaniya nang tingin at baka isipin pa ng ipis na ito ay madadaan niya ako sa pagtitig niyang iyon.
“If you have something you want to say just___” Napasinghap na lang ako nang ipatong niya ang kaniyang ulo sa kanang balikat ko.
Napatulala na lang ako sa kawalan at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Ilang minuto rin kami na nasa ganoong ayos at ni salita ay walang lumabas sa aking bibig at ganoon din siya.
“Tawagan mo nga si Madz Nina hindi man lang nagpaalam na uuwi na siya,” dinig kong boses ni Ellaine sa ‘di kalayuan sa’min.
“E-ellaine,” mahinang wika ko.
Doon lamang nag-angat si Jeremy at namumungay naman ang kaniyang mga mata na tiningnan ako. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba ng bahagya siyang bumaba at muli niyang ilapit ang kaniyang mukha sa’kin. Alam niyang hindi ako makakasigaw dahil oras na sumigaw ako ay makikita kaming magkasama ni Jeremy dito at iyon ang ayaw kong mangyari.
“Tomorrow night at Lazaro’s Restaurant. See you there baby Madie.” Biglang nanayo ang balahibo ko pagkasabi niyang iyon at saka lamang niya ako iniwan.
Bigla na lang akong napasandal sa pader at hanggang ngayon ay ang bilis pa rin nang t***k ng puso ko dahil sa kagagawan ng pesteng lalaking iyon. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang kinaiinisan dahil sa inaasal niya.
Nakalabas na ako ng campus ay hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Manong Gener. Masyado na yatang malalim ang iniisip ko dahil kanina ko pa pinag-iisipan kung pupunta ba ako o hindi. Kung hindi ko naman siya sisiputin ay mas lalo lang niya akong kukulitin, kaya dapat ay makaisip na ‘ko ng paraan para tuluyan na rin niya akong layuan.
“Pasensya na kayo Manong Gener hindi ko po kayo narinig,” hinging paumanhin ko nang makalapit na ‘ko.
“Ayos lang hija, halika na at kanina pa nag-aalala ang mommy at daddy mo.” Saktong pagbukas ko naman ng van ay nakita kong naroon din si Jk at nakahalukipkip at nakapikit.
Nakasuot lang ito ng jogging pants na kulay grey at white t-shirt. Nagmulat naman siya ng mata at walang emosyon niya akong tinitigan. Napaismid na lang ako at sumakay na sa loob dahil nagsisimula na naman siyang magsungit.
“Why you’re taking up so long?” Masungit nitong tanong.
“May tinapos lang ako”
“Tinapos manuod ng basketball?” Natigilan akong bigla at napatingin sa kaniya at nasa daan ang kaniyang tingin. “Kailan ka pa nahilig manuod ng ganiyan? Ni minsan nga hindi mo pinanuod ang mga laro ko kapag kasali ako eh,” may himig na tampo sa kaniyang tono.
“Sila Nina at Ellaine kasi hinila ako papuntang gym kaya hindi na ‘ko nakatanggi. Saka paano mo nalaman?” Tumingin siya sa’kin at pinakita niya sa’kin ang cellphone niya na may picture naming tatlo.
Napayuko na lang ako at kagat ko pa ang ibabang labi ko. Kahit kailan talaga pahamak ang dalawang kaibigan kong iyon. Malalaman pa tuloy nila mommy at daddy na nagsisinungaling ako iyon pa naman ang pinaka-ayaw nila at ayoko rin na mawalan sila ng tiwala sa’kin.
“Why did you lie to them?”
“I don’t have intention to lie Jk. It’s just, aaahmm.” Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kaniya kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.
“It’s because of him?”
“Who?” takang tanong ko sa kaniya kung sino ang tinutukoy niya.
“Don’t tell me fan ka rin ng Jeremy na ‘yon?”
“What?!” sigaw ko sa kaniya kaya pati si Manong Gener ay napatingin sa amin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at pinaypay ko pa ang dalawang palad ko sa akin na animo’y naiinitan ako. Umayos pa ‘ko ng pagkakaupo at hinarap siya nang nakahalukipkip.
“Nasisiraan ka na yata ng ulo Jk. As if naman ‘no! Saka isa pa wala akong pakialam sa ipis na ‘yon.” Tinalikuran ko na siya at sumadal na lang sa aking upuan.
Hindi ko mawari sa sarili ko na kapag naririnig ko ang pangalan niya ay kumukulo na kaagad ang dugo ko sa kaniya. At lalo na kapag nakikita ko siya parang gusto ko na lang siyang ihagis palabas ng campus.
“Why you’re getting mad Madie? I’m just asking” Muli ko siyang binalingan at sinamaan nang tingin.
“Puwede ba Jk wala akong oras para pag-usapan ang ipis na ‘yon,” may halong galit kong turan.
“Bakit ba ang laki ng galit mo sa kaniya? Did he dump you?
“Jk naman!” sigaw ko sa kaniya na mas lalo kong kinainis.
“Okay, okay! I’m just kidding.” Kahit na nagbibiro lang siya ay halata pa rin sa itsura nito ang kaseryosohan.
Hindi ko rin malaman sa mga babae sa buong campus kung bakit din nila gusto ang kapatid ko, bukod sa suplado na ay boring pa ito sa buhay. Isa na roon si Akira na matiyagang naghahabol sa kaniya kahit na alam niyang ganoon ang kambal ko ay gusto pa rin niya ito. Mga babae talaga ngayon mas gusto nila ang ganoong klase ng lalaki lalo na si Jeremy na ubod ng yabang at bastos.
Habang naiisip ko naman ‘yon ay hindi ko mapigilang mabuwisit lalo. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at ipapabura na sana ang pinost ni Nina nang mabungaran ko naman ang post ni Ulysses. Namilog ang aking mga mata at lihim naman akong napangiti dahil sa nilalaman ng post niya.
“Ako kaya ang tinutukoy niyang mahal na mahal niya simula pa lang noong bata pa?” bulong ko sa aking isipan.
Bigla namang nawala ang inis ko at napalitan ito ng kilig dahil kay Ulysses. He’s my ideal type at hindi si Jeremy na kinababaliwan ng lahat. Hindi pa ako baliw para magkagusto sa isang katulad niya.