SPECIAL CHAPTER

2684 Words

“NATULALA ka na riyan?” untag pa ni Karzon kay Tanya na nakatulala sa isang cabinet sa banyo sa may silid nila. Nagsalubong pa ang mga kilay ni Karzon nang makita ang kaniyang tinititigan sa loob ng cabinet. “Mayroon ka bang monthly period ngayon?” patuloy nitong tanong dahil ang kaniyang sanitary napkin na ginagamit buwan-buwan ang kaniyang pinagmamasdan. “Daddy,” aniya kay Karzon bago ito nagawang balingan. “Bakit?” Napalunok siya. “I need to confirm something.” “Like?” “Basta,” aniya. “Samahan mo ako.” “Saan?” “Sa pharmacy.” “Pharmacy?” “Oo,” aniya na hinila na ito palabas sa banyo. “Sweetie, iihi muna ako,” ani Karzon. “Hintayin mo ako riyan sa labas,” anito na inihatid lang siya sa labas ng banyo bago ito muling pumasok sa loob. Ni hindi na isinara pa ang pinto ng banyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD