Found

1411 Words
Naisip kong bumaba ng van. Mas maigi ng lumabas ako kaysa sa loob pa nila ako kuyugin, mahihirapan akong makipaglaban at baka madamay pa ang iba pang mga bata. Sinulyapan ko ang aking suot na relo saka muling isinilid ang aking mga kamay sa magkabila kong bulsa. Siguradong ilang sandali lang ay parating na sila Gyan. Tiyak na malalaman nilang wala ako sa Blemington Park at agad nila akong hahanapin. Haayyy… hindi ako natatakot sa mga mongoloid na ito eh, mas natatakot ako sa kaparusahang ibibigay sa akin ng aking ama lalo na sa bunganga ng aking ina. Tiyak na aabutin na naman kami ng madaling-araw sa paninermon niya sa akin! Naman. Bahala na nga. Bumaba nan ga ako ng van at agad kong nakuha ang kanilang atensyon. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang nangungunot ang mga noo. “ANO? ISANG BATA? NAGPATAWAG KA NG ISANG LUPON NG TAUHAN PARA LAMANG SA ISANG BATA?” mariin na may pang-uuyam sa sinalita ng isa sa mga lalaking katabi ng kaninang nagmaneho ng van na sinakyan namin. “Hello po!” ngiti ko sa kanila na may pagkaway pa ng aking kamay. “Boss! B-Boss! H-Hindi lang isang bata ang isang ‘yan,” sabi ng drayber na tumuro pa sa akin. “I-Isang halimaw ang isang ‘yan! I-Isa siyang… i-isa siyang Mafia!” Lahat sila’y halos sabay-sabay na napatitig sa akin— sa suot kong piercing charm. Nang makumpirma nga nilang isa akong Mafia ay mga naging alisto sila. “Isang Mafia, huh! Isang batang Mafia,” sambit ng tinawag na boss ng drayber at ngumisi ito na parang sa asong ulol. “Kapag sinuswerte ka nga naman.” Sinuswerte? Hmn? “B-Boss? A-ano pong ibig niyong sabihin?” takang tanong ng drayber. “Pinaslang niya sila Lucio! Isang halimaw ang batang ‘yan!” “Ahmn! Excuse me po! Mawalang galang na tatang, pero mas mukha ka pong halimaw! Ang tangkad niyo po tapos ang laki ng tiyan niyo, tapos po ‘yong mukha niyo po butas-butas! Ano pong sumabog d’yan? Garanada o dinamita?” sabi ko saka ako ngumisi ng malapad habang naka-peace sign. “A-Anong—” “Tumigil ka! Pabayaan mo siya,” pagpigil ng boss ata nila doon sa pangit na drayber saka ito humakbang patungo sa akin. “Kailangan natin ng buhay ang batang iyan para ihandog kay Master Zeph, ang batang ‘yan ang mag-aangat sa atin sa organisasyon!” Master Zeph? Sino naman ang isang ‘yon? ‘Yon ba ang pinaka-boss nila? “Kay Master— Master Z-Zeph?” tila nanginig na sabi ng drayber na para bang kinilabutan. “Ang Mafia Organization ay nagkakaroon lamang ng miyembro kapag nakapasok ka sa Mafia Academy kung saan ang tanging tinatanggap lamang ay mga edad na labing-tatlong taong gulang pataas! Sa aking tancha, ang batang ‘yan ay wala pang sampu, ibig sabihin— siya ay anak ng isa sa mga pinuno ng Mafia!” paliwanag ng lalaki. Nawala ang pagngisi sa aking mukha. Mukhang may fans club ang Mafia, alam na alam ng lalaking ito ang tungkol do’n eh. Tsk! Lagot! Ito ba ang dahilan… kung bakit ayaw kaming palabasin ng mansyon? Sino ba ang Master Zeph na iyon? At bakit kailangan akong ihandog sa kaniya? Huh! “Bata, anong pangalan mo? Sino sa Mafia Lords ang mga magulang mo? Si Brahma, si Shiva… o si Vishnu?” tanong ng lalaking tinatawag nilang boss. At bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko o ano mang impormasyon tungkol sa akin. Baliw ba siya? “Hala, hindi mo ako kilala?” pag-arte kong nagulat. “Bakit? Sino ka ba?” nangunot ang noo niya habang tila pilit kinikilala kung sino ako. “Ako lang naman… ang papatay sa ‘yo,” sagot ko sabay ngisi ng malapad sa kaniya. Agad na nagsipagbunutan ng baril ang kaniyang mga tauhan samantalang ang lalaking nagtanong sa aking pangalan ay napauwang ang bibig at napatanga. Maya-maya’y nanalim ang tingin niya sa akin at nagtagis ang kaniyang mga ngipin na tila ba nanggagalaiti. Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko? Gusto niya na bang patunayan ko? Ahahahah! “I-Ikaw? Ikaw na kutong-lupa ka, papatayin ako? Nagpapatawa ka ba?” ngisi nito. Ngumuso ako, “Kung natatawa po kayo, pwede naman, baka last nyo na ‘yan!” “A-Aba talagang— BWISIT NA BATA!” ang pagngisi niya ay napalitan ng iritasyon. “Kunin ang batang ‘yan!” Sa sinabi niyang iyon ay naging senyales sa kaniyang mga tauhan na sugurin ako. Naging seryoso ang aking ekspresyon at ang pagngisi ng tulad sa isang demonyo ang lumitaw sa aking bibig. “Simula na pala ng laro, mabuti naman,” sabi ko at inabangan ang kung sino mang unang makakalapit sa akin. Tumakbo ang ilan para hablutin ako. Pilit akong inabot ng isa sa mga lalaki ngunit tumalon lamang ako paatras sabay sipa sa isa pang lalaking nagtangka ding hatakin ako. Lumapat ng malakas ang paa ko sa kaniyang panga at tumalsik siya sa isa sa mga kasamahan niyang palapit sa amin. Magkasabay naman akong sinugod ng dalawa pang kalalakihan mula sa magkabilaan kong gilid kaya naman ay lumiyad ako upang iwasan sila. Kinabig ko ang kanilang mga batok at malakas na iniumpog ang kanilang mga noo sa isa’t isa. “BWISIT! BATA LAMANG ‘YAN, BAKIT HINDI NIYO MAHULI-HULI!?” hiyaw ng boss nila. “Boss, masiyado siyang maliksi!” ani ng isa sa mga lalaki na sumugod sa akin. “WALA AKONG PAKEALAM, ANG GUSTO KO AY HULIHIN NIYO SIYA!” nagngangalit na sabi niya. “Luh! Makapag-utos, wagas!? Ikaw kaya ang makipaglaro sa akin? Tara, pitik-bulag tayo!” sabi ko sabay tusok ng daliri ko sa mata ng isa sa mga lalaking nagtangka akong suntukin. “AHHHH!!!” hiyaw niya habang nakahawak sa kanan niyang mata na may umaagos na dugo. “Oh, talo na siya! Ikaw naman,” sabi ko sabay ngisi. Napahinto ang mga kalalakihan sa pagsugod sa akin at napatanga ng ilang sandali na para bang hindi sila makapaniwalang magagawa ko iyon. Tinitigan ko ang dalawa kong daliri na may dugo at ang pulang-pulang dugo na nakamantsa sa aking balat ay lalong nagpapapanabik sa akin. Sino kayang sunod? Hmn? “Maglalaro ka lang pala, dumayo ka pa dito?” Hmn? Napalingon ako sa harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng aking pinsan— si Gyan. Nagsilingunan din ang mga lalaking na nais akong muling dakipin pati na rin ang boss nila at tila mas lalo silang nanginig. A-Anak ng— Nawala din ang pagngisi ko nang makita ko kung sino ang kasama ni Gyan. Si Uncle Shiva… at ang batang nakasira ng skateboard ko! “Ma— Mga Mafia!!!” “S-Sandali, a-ang isang ‘yan… s-siya ay isang… isang Mafia Lord! Si… si Shiva!” Nanginginig at nauutal na sabi ng mga lalaki. Nakita ko namang nagkuyom na ng palad ang boss nila at bakas sa mukha nito ang pangamba ngunit pilit pa din na nagtatapang-tapangan. Nagpapasalamat akong si Uncle Shiva ang kasama ni Gyan at hindi si Uncle Brahma o si daddy o kaya si mommy. Sa kanila kasing lahat ay si Uncle Shiva ang pinakakalmado at pinakamabait. Mabait din naman si Uncle Brahma kaya lang… tulad ng aking ama, madaling uminit ang ulo niya, lalo na ang aking ina. Haayyy! Pero ang pinagtataka ko… bakit nila kasama ang batang iyon? “A-ANO PANG ITINATAYO-TAYO NIYO D’YAN? SUGURIN NIYO SILA!” muling utos ng boss ng mga kalalakihan. “P-Pero boss… s-siya ay si—” “WALA AKONG PAKEALAM KUNG SINO SIYA! HINDI NIYO BA NAISIP? KAPAG NATALO NIYO ANG ISANG MAFIA LORD, MALAKING GANTIMPALA ANG MAKUKUHA NATIN! MGA BOBO!!!” agad na tugon ng lalaki. “PATAYIN SI SHIVA AT KUNIN ANG MGA BATA!” Muling naging alisto ang mga kalalakihan para sa pagsugod. Tila balewala naman kay Uncle Shiva ang mga sinabi ng lalaki. “P-Papatayin nila tayo!” tila nababahalang sabi ng batang nakasira ng skateboard ko na napasulyap kay Gyan. Huh! Ang lakas ng loob niyang magpakita pa sa akin. Pagkatapos niya akong insultuhin? Pagbabayarin ko siya! Hmp! Kinuha ni Uncle Shiva ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa, “Gyan, Cayden, may meeting pa ako, kailangan na nating magmadali. May labin-limang minuto kayo para iligpit ang mga basurang ito. Wala kayong ititira, maliwanag?” Mukhang nag-set ng timer si uncle. Nagkatinginan kami ni Gyan. Napangisi kami pareho at halos magkasabay na nagsabing, “MASUSUNOD!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD