Playtime

1524 Words
“L-Labin-limang minuto? Pinagloloko mo ba ako!?” galit na sabi ng tila pinuno ng grupong kumuha kay Cayden. “Napakarami namin tapos mga bata lang ang ipanglalaban mo sa amin? MINAMALIIT MO BA KAMI, HUH?” Ang lakas ng loob niyang magsalita sa daddy ko ng ganiyan. Kung ang daddy ko ang lalaban sa kaniya, baka hindi niya malamang patay na siya? “Gyan, Cayden, kayo na ang bahala,” tila walang pakealam na sabi ni daddy at naglakad na siya pabalik ng sasakyan. “OPO!” tugon namin saka kami mabilis na tumakbo ni Cayden upang sumugod. Kinse minutos lang ang mayroon kami. Kapag hindi namin ito natapos ng wala sa oras, mapaparusahan kami! Hmn, dapat magmadali! “Cay! Magkano?” hiyaw ko nang tumalon ako sabay suntok sa mukha ng isa sa mga lalaking nadaanan ko. “Ha? Dalawang libo lang!” tugon ni Cayden saka nito itinusok ang dalawang daliri sa leeg ng lalaking nasa kaniyang harapan. Tila nagkaroon ng gripo ang leeg ng lalaki at sumirit ang dugo nito. Nagpatuloy sa pagsugod si Cayden, at gano’n din naman ako. Kinuha ko ang maliit na patalim na laging nakatago sa aking manggas. Manipis lamang ito na gaya ng sa ruler ngunit ang talas nito ay kayang makahiwa ng makunat na balat ng kalabaw. Ito din ay retractable, ginawa ito ni Uncle Brahma kaya naman hindi nasusugat ang aking balat sa tuwing isinisilid ko ito sa aking manggas. “Ang baba ata ngayon?” taka kong sabi bago itarak sa noo ng isa pang lalaki ang aking patalim. “Sira! Di ba tumakas ako no’ng nakaraan? Inalisan ako ni daddy ng allowance,” sagot niya na nagpangisi sa akin. Oo nga pala. Baliw talaga! Ahahah! Sinubukan akong hablutin ng isa pang lalaki, tumalon ako sabay laslas ng kaniyang leeg kaya napahiyaw ito ng malkas sa sakit. “Puro ka kasi kalokohan eh!” tawa ko habang patuloy na sumusugod sa aming mga kalaban. “Anong paglalabanan?” Naghagis si Cayden ng isang bato saka siya tumalon sa ere upang sipain ito. Bumaon ang bato sa noo ng lalaking tinututukan siya ng baril mula sa di kalayuan. Humandusay ang katawan nito sa sahig habang bumubulwak ang dugo sa kaniyang noo. “Ang paglalabanan? Ahmn, sandali, ano nga ba?” ani Cayden at nagpalingun-lingon sa paligid. Maya-maya ay napangisi na lang siya, “Alam ko na! Ang mananalo… ay kung sino ang makapaslang sa boss nila! Okay ba?” Nanlaki ang mga mata ng tila pinuno ng mga kalalakihang nang marinig ang sinabi ni Cayden. Napahakbang ito paatras at ang ilan sa kaniyang mga tauhan ay humarang sa kaniyang unahan para siya ay protektahan. “P-Pigilan niyo sila! Na-Nagbago na ang isip ko! Papatayin niyo na ang mga batang ‘yan!!!” utal na sabi ng kanilang amo. Agad silang nagsibunutan ng kani-kanilang mga baril at pinaputukan kami. Mabilis kaming tumakbo at nagpagulong-gulong ni Cayden sa damuhan hanggang makapagtago sa malalaking puno. Marahan silang naglakad habang hawak-hawak ng mahigpit ang kani-kanilang mga baril at nakatutok sa kanilang unahan habang lumalapit sa aming pinagtataguan. Hindi nila napansin na umakyat ng puno si Cayden. Nagputol siya ng maliit na sanga ng puno saka tumalon paibaba. Tinarak niya ito sa bunbunan ng isang panot na lalaki na agad na nawalan ng buhay nang bumaon ito sa kaniyang ulo. Nagulat ang mga lalaki ngunit bago pa man nila mabaril si Cayden ay nakuha n ani Cayden ang baril ng panot na lalaki at isa-isa niyang binarily ang mga lalaking nakapaligid sa kaniya. “Gyan!” hiyaw niya bilang senyales. Kinuha ko pa ang isa ko pang patalim sa kabila kong manggas at muling tumakbo. Sumugod din ako saka pinaglalaslas at pinagsasaksak ang kanilang mga katawan. Habang ako ang sumusugod, si Cayden naman ang bumabaril sa mga nagtatangkang bumaril sa akin. Iilan na lamang sa kanila ang natitira. Ilang minuto na lang din ang mayroon kami, dapat magmadali! “Cayden, tapusin na natin ‘to! Nagugutom na ako!” sabi ko dahil talaga namang kumakalam na ang sikmura ko. Hindi kasi ako nakapagmeryenda dahil hinanap pa namin siya. “Sige, sige! Walang problema!” ani Cayden at ngumisi. Tila kinabahan ang boss ng mga kalaban namin. Titig na titig lamang siya sa amin habang isa-isa naming tinatapos ang kaniyang mga tauhan. Maya-maya… humakbang siya paatras hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo papunta sa batang kasama namin ni daddy. Halos sabay kaming napalingon sa kaniya ni Cayden nang bigla niyang hablutin sa leeg ang bata at tutukan ng baril sa kaniyang sentido. Napangirit ang batang kasama namin marahil dahil sa hirap sa paghinga at ang kaniyang suot na sumbrero ay nahulog. Naidilat ko tuloy ng husto ang aking mga mata nang malaman kong isa pala siyang babae! “A-Ano? B-Babae ka pala?” gulat kong sabi saka ko binunot ang aking patalim sa dibdib ng lalaking sinaksak ko. “Huh! Napagkamalan mor in pala siyang lalaki?” natatawang sabi ni Cayden habang pinapaikot sa kaniyang daliri ang hawak na baril. “B-Ba— babae ako!” nahihirapang sabi ng bata. Napasulyap ako Cayden at nagkibit lamang siya ng balikat sabay saka kami napangisi. Matapang ang batang ito! Sinasakal na siya’y nagagawa niya pang makipagtalo at tila hindi man lang nakakaramdam ng takot sa baril na nakatutok sa kaniya. “H-Hanggang d’yan na lamang kayo!” sabi ng lalaki na para bang nanginginig. Bakit parang mas takot pa siya kaysa sa batang babae na hostage niya? Hmn? “Huy Cayden, hanggang dito lang daw tayo!” sabi ko nang makita kong hahakbang si Cayden palapit sa lalaki. “Bakit? Pakealam ko sa dinosaur na ‘yan? Sinira niya kaya ang skateboard ko!” sabi niya. “Ha? Siya ba ang nakasira? Akala ko ang mga ungas na ‘to!” natatawa kong sabi. “Hi-Hindi ko ‘yon sinira! T-Tatanga-tanga siya! Na-Nakaharang siya sa daan ko— arrhh!” ani ng batang babae at halos mapabulalas ako nang marinig kong tinawag niyang tatanga-tanga si Cayden. “Sige, tumawa ka Gyan! Bukas, paggising mo ubos na ngipin mo! Ewan ko na lang kung makatawa ka pa ulit,” pagbabanta ng baliw kong pinsan pero agad ko ding tinikom ang bibig ko; takot ko lang na totohanin niya. “Manahimik kayo! Papatayin ko talaga ang batang ito!!!” sabi ng lalaki at idiniin niya sa sintido ng bata ang kaniyang baril. “E di patayin mo! Tagal naman!” sabi ni Cayden na animo’y naiinip. Tila nanggagalaiti na ang lalaki. Sa labis na inis ay mukhang papatayin niya na nga niya ito! “Bwisit! PAPATAYIN KO NA TALAGA ANG BATANG— AHH!!!” napahiyaw ang lalaki nang bigla na lang tapikin ng bata ang kamay ng lalaki na may hawak na baril at yapakan siya ng malakas sa kaniyang paa. “Hindi pa ako… PWEDENG MAMATAY! BATA PA AKO!” hiyaw ng bata na nanalim ang mga mata kay Cayden. Nakalabit ng lalaki ang gatilyo ngunit sa ibang direksyon ito tumama. Muli niya sanang hahatakin ang bata nang makita niyang patakbo na ito ngunit mabilis siyang binarily ni Cayden sa noo. Dilat ang mga mata niyang humandusay sa damuhan habang ang matigkad nitong pulang dugo ay umaagos na pababa. "Oh! Nanalo ako!" sabi sa akin ni Cayden. “Sinadya mo ba ‘yon?” tanong ko. “Huh? Ang alin?” maang-maangan niya. “Ang asarin ‘yong batang ‘yon para gawin niya ‘yon." Biglang ngumisi ng malapad si Cayden, “Medyo lang, pero mukha talaga siyang dinosaur! Sinipa niya ‘yong skateboard ko, wasak agad! Sigurado yupi din ang paa niyang lalaking ‘yon! Tapakan ba naman siya ng T-rex eh!” Huh! Tama nga ako. Alam niyang matapang ang batang 'yon kaya ginalit niya ito upang kusang kumawala sa lalaking nang hostage sa kaniya. “A-Anong T-rex! Hoyyy!!!” asar-talong sabi ng bata at akmang susugurin niya sana si Cayden nang bigla na lang may tumawag sa kaniya. “Linnea!” Napahinto siya at agad na napalingon. Isang batang lalaki na tila kaedad din namin ang bumaba mula sa loob ng van. Agad na napalitan ng masayang anyo ang ekspresyon niya at tila nakalimutan ang inis sa pinsan ko. “Voughn!” tawag niya din. Pinanuod lang naming silang magkalapit at hinayaan. Maya-maya ay bumalik na din ang daddy ko. “Mukhang nalinis niyo na ang mga kalat! Magaling, umalis na tayo,” sabi niya kaya naman sumunod na kami sa kaniya. “Sandali!” tawag sa amin ng batang babae. Napahinto kami saglit ni Cayden at bahagya namin siyang nilingon. “Sa-Salamat,” nag-aalangang sabi niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Cayden at nagkibit lamang ako ng aking balikat. Hindi ko alam kung para saan ang pasalamat niyang ‘yon dahil ang alam ko lang ay naririto kami ni daddy para sunduin si Cayden. Nagpatuloy na akong lumakad at sumunod naman si Cayden na isinilid pa ang mga kamay sa magkabila niyang mga bulsa. “Hindi ka dapat magpasalamat, may utang ka pa sa akin,” narinig kong sabi ni Cayden. “Ngayon pa lang mag-ipon ka na, dahil sa susunod na magkitayo, sigurado... maniningil ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD