Chapter 3
Nang makauwi kami ni tito Mark sa bahay nakahanda na ang hapunan at nakauwi na rin si mama dahil siya talaga ang madalas na nagluluto ng almusal at hapunan namin kahit na may katulong naman sa bahay. Masyado siyang generous ayaw niyang napapagod si yaya Malin na nag-aalaga sa kapatid kong si June.
Hindi na muna ako nag-bihis ng uniporme ko at umupo na ako sa puwesto ko sa harap ng lamesa. Katapat ko si mama at nakaupo sa kabisera si tito Mark. Nagdasal na muna kami bago kami nag-umpisa.
Kumukuha si mama ng kanin ng mapasulyap siya sa ‘kin, “kamusta ang araw mo ngayon?”
‘Yan ang madalas niyang pang bungad ‘pag nagkikita kita kami sa gabi galing sa mga sa school at trabaho. Ininom ko muna ang tubig na nasa baso at nilapag sa lamesa bago ako sumagot sa kanya.
“Okay naman mama.”
Tumango-tango siya saka naman niya inabot ang isang platong kanin kay tito Mark.
“Mabuti naman kong gano’n, wala naman sigurong masakit sa ‘yo,” sabi niya habang pinupunasan ang bibig ni June na katabi niya sa upuang pang baby dahil pinaglalaruan ang kanyang laway.
“Wala naman ma, ayos lang ako magsasabi lang ako kong may masama sa ‘kin.”
Huminga ng malalim si mama bago siya humarap uli at sumulyap sa kanya.
“Mabuti na ‘yong malinw at palaging mag-iingat.”
“‘Wag kang masyadong mag-alala sa anak mo nababantayan ko naman siya ro’n.” Ngiting sabi ni tito Mark.
Ngumiti ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Hindi niya ako tinuring na iba sa kanya at talagang maalagain siya katulad ni mama na para bang tunay niya akong anak. Mahal na mahal din niya si mama. Hindi man niya sinasabi pero nakikita ko kong paano niya ituring si mama at kong paano siya makatingin kay mama na may kinang sa mga mata niya na para bang si mama ang pinakamaganda sa kanya.
Hindi katulad ni papa iniwan si mama dahil lang sa hindi niya kayang bantayan ang anak niyang may sakit. Ang huli na lang na balita namin sa kanya meron na rin siyang bagong pamilya at hindi na ‘yon na sundan.
Pagkatapos namin kumain hinayaan na nila akong umakyat sa taas at magpunta sa silid ko. Nagbihis na muna ako at naglinis ng katawan bago sumampa sa kama ko.
Muli kong kinuha ang notebook kong kulay asul at ball pen. Tinitigan ang blangkong pahina at naghihintay kong anong salita ang pwede kong isulat. Wala pa rin akong maisip na pwede kong isulat sa eulogy ko. Napabuntong-hininga na lang ako, siguro kong may matalik akong kaibigan hindi ako mahihirapan makakuha ang ganito.
KINAUMAGAHAN agad na akong dumiretso sa waiting shed ng bus sa labas ng village namin nong makaalis ako sa bahay at magkapag-almusal. Hindi ako sumasabay kay tito Mark dahil mas maaga siyang pumapasok sa ‘kin at iba-iba ang schedule ng pasok ko. Sa kanan ko may nakaupong matandang babae at may bitbit pang paper bag na kulay brown.
Ilang minuto ang nakalipas ng may bus na huminto sa harap ng waiting shed at bumukas ang pintuan nito. May ilang bumaba bago ko pinauna ang matandang babae. Pag-akyat ko wala nang mauupuan maliban doon sa unahan na para sa mga matatanda, mga PWD at buntis. Nakita ko namang kakaupo lang do’n nong lolang kasabayan ko.
Tinap ko ang beep card sa tapping system para makapagbayad ako sa bus bago ako tuluyang makasakay.
Naglakad ako sa aisle habang tinatago ko ang wallet ko sa bag at inabot ang hawakan sa itaas. Kailangan ko talagang iangat ang kamay ko dahil mababa ako at bahagyang mataas ang hawakan. Sinaklay ko paunahan ‘yong bag ko at kailangan kong mag-ingat. May mga ilang lalaking nakaupo sa mga upuan ngunit wala naman silang balak magpaupo at may ilang nagtutulog-tulugan. Hindi ko na lang pinansin. Ang akala ko aalis na ng may sumakay pang binata.
Bahagya pa akong nagulat ng makita ko si Adamson. Pag-akyat niya nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya at nagtataka. Ang alam ko kasi madalas siyang ihatid sa school dahil nga galing siya sa mayamang pamilya o kaya minsan siya ang nakikita kong nag-drive ng kotse nila pero first time kong nakitang mag-bus siya. Katabi kasi ng village namin ang subdivision kong saan siya nakatira.
Hindi ko rin alam kong ngingitian o siya mangungumusta ngunit nong makita niya ako at magtama ang mga mata namin hindi man lang siya umimik. Hindi siya ngumiti o kumaway man lang na madalas niyang ipakita sa school.
Kaya hindi ko na lang siya pinansin. Gumilid ako paharap sa bintana. Naramdaman kong nakatayo sa kanan ko at tumayo ro’n nang makahawal siya sa hawakan. Sa lapit niya sa ‘kin ngayon ko lang napansin na hanggang balikat lang ako sa tangkad niya.
Dahil air-con ang bus naamoy ko rin ang shampoo na gamit niya sa buhok na bahagya pang basa kaya bagsak na bagsak.
Nong biglang umandar ang bus dumulas ang pagkakahawak ko sa hawakan at napaatras ako papunta sa kanya. Namilog ang mga mata ko lalo na nong tumama akong likod ko sa kanya. Napahawak siya sa braso ko para hindi ako tuluyang matumba. Agad kong binawi ang sarili ko sa gulat.
“Sorry,” sabi ko na hindi man lang tumitingin sa kanya. Humawak na ako sa may upuan para hindi na ako matumba. Nag-init ang pisngi ko sa hiya sa nangyari at napapikit. Buti na lang hindi siya nagreklamo.
Sa buong biyahe tahimik lang ako at nakatingin sa bintana sa mga nadadaanan namin nang huminto uli ang bus. May sumakay na limang lalaki na mukhang papasok sa construction worker dahil sa mga suot nilang mga long sleeve at may dala pang mga construction hat.
Muli kong naramdaman ang kamay ni Adamson sa may braso ko nong hawakan niya ako na para bang pinapatabi sa kanya nong may umusog at lumapit sa ‘kin dahil do’n pumesto ‘yong limang bagong sakay.
Napatingala ako sa kanya nang mabitawan niya ako, “para hindi ka makipagsiksikan sa kanila,” wika niya na hindi man lang sumusulyap sa ‘kin.
“Salamat,” sabi ko pabalik. Para bang ang na awkward ako sa kanya. Hindi ko alam na may ganito siyang side o peke lang ‘yong pinapakita niyang side sa campus. Hindi ko alam, hindi ko naman siya gano’n ka kilala.
Muling umandar ang bus at naging tahimik na naman kaming dalawa.
Makalipas ng isang isang oras huminto na sa bus stop kong saan kami bababa. Na una siyang naglakad, bumaba at nakasunod naman ako sa kanya kasi iisa lang campus lang naman ‘yong pupuntahan namin.
Sumalubong ang ingay sa kalsada lalo na ‘yong mga nag-aalok ng sakay ng jeep papunta sa CCC, ilang tricycle driver at ilang nagtitinda ng mga pagkain sa bangkenta. Nakita kong sumakay siya sa unang jeep na nakaparada. Sumakay ako sa pangalawang jeep na nakasunod dahil ayokong sumabay sa kanya kahit pa hindi pa puno ‘yon. Hindi ko alam pero parang hindi ko feel na makasabay siya sa kahit na saang transportation vehicle at hindi rin naman ako nagmamadali.