Chapter 47 Kaarawan ni Adam ngayon pero mukhang malungkot siya, ilang beses ko siyang pinilit na i-celebrate ang kaarawan niya pero parang wala lang sa kanya at wala na siyang pakialam sa birthday niya pero hindi ako makakapayag nu’n dahil kailangan pa rin naming gawin. Habang nasa check-up siya ng doctor ngayon kaya hindi kami magkikita ng hapon. Umaga pa lang humingi na ako ng tulong kila Kelly at Kent para paghandaan ang araw na ito. Dahil silang dalawa lang ang nakakalabas, sila na lang ang bumili ng pagkain, pang regalo kay Adam at mga balloons. Alam kong kahit hindi niya ito makita dahil wala pa siyang paningin, sa susunod naman makikita niya ito sa mga litrato. Kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam niya. Buti na lang ang unti-unti nang bumabalik ang lakas ko at nakasohan ang m