Chapter 37 Kailangan kong pumasok ngayon pero hindi ko tinuloy, ilang beses ko pa rin kinulit si Adam pero wala pa rin akong natatangap na mensahe galing sa kanya at ako na lang gumawa mag-isa. Pumunta ako sa lugar kong saan nakatira si Kelly imbes na nasa paaralan ako at hindi alam ‘yon nila mama. Sa oras na malaman kasing uunahin ko ito sa malamang mapapagalitan ako, pero hindi ko rin gustong mabigo si Kelly at alam kong umaasa siya. Nong maihatid ako ni tito Mark sa paaralan dahil doon man lang ang iisang lugar na pupuntahan namin nagkunwari akong didiretso na ako sa classroom ko pero nong oras na wala na siya at hindi nakabantay muli akong lumabas ng campus namin. Sumakay uli ako pabalik sa village namin at pumunta sa kabilang downtown na malapit sa amin dahil alam kong doon nakatira