Chapter 36 Kanina pa ako nakatitig sa screen ng phone ko, ilang beses ko rin tinitignan at naghihintay sa messages galing kay Adam o kaya kay Kent pero wala pa rin akong natanggap sa kanila. Halos papalubog na rin ang araw, nanatili pa rin ako sa tabi ni Kelly na hindi pa rin nagigising, noong tanghali ng mapagdesisyunan nila mama, tito Mark na umuwi para kumuha ng gamit at makabili ng pagkain at gamot para kay Kelly. Ilang beses rin ako nag-iwan ng mensahe at kinumusta sila ngunit wala pa rin silang reply pabalik. May gusto akong sabihan o pagsumbungan ng nararamdaman ko pero ni isa sa kanila hindi ko mahagilap. Tinatagan ko na lang ang sarili ko at hindi na ako nangulit pa. Ilang beses akong napapabuntong hininga, minsan tatayo, lalapit sa tulog na si Kelly at minsan dudungaw sa bintan