Chapter 5

1067 Words
Chapter 5 Wala akong nagawa kong di ang sumama sa tatlong ito at baka kong ano pang mangyari ‘pag sinuway ko ang utos n gaming SSG president na si Adam. Magkakatabi kaming nakaupo sa waiting area at hanggang ngayon basa pa rin sila. Nasa loob si Adam ng guidance office at nasa loob nun ang may ari ng paaralan na ito na siyang lolo ni Kent. Sa aming tatlo siya lang ata ang hindi kinakabahan dahil alam niyang wala namang mangyayaring kakaiba sa kanya o hindi siya mapapatalsik kahit ilang beses pa siya gumawa ng kabalustagan ng paaralan na ito. “Ang boring naman,” bulong ni Kent sa tabi ni Kelly dahil nasa gitna namin sa Kelly at ako ang nakaupo sa dulo. Nagpalabas ako ng hangin sa ilong ko dahil sa inis sa kanya, “kasalanan mo ito, dapat pala hindi ako nakisali para hindi ako nadamay ng ganito, alam mo ang malas ko sa ‘yo, hindi na nga ako nakapasok sa klase ko at malalagot pa ako kay mama nang dahil sa ‘yo.” Ngumisi lang siya sa ‘kin nang lingunin niya ako na para bang lalo lang niya akong inaasar. Magsasalita pa sana ako nang parehas kaming natahimik at napasulyap sa pinto ng guidance nang magbukas ito saka niluwa si Adam na seryoso kaming tinitignan. “Pumasok na kayo,” sabi niya bago siya muling pumasok sa loob. Sumunod naman kami sa kanya, bumungad sa amin ang nasa upuang si Mrs. Cruz at ang lolo ni Kent na may ari ng paaralan na ito na nakaupo na sa harap ng bilugang salaming lamesa. Si Kent kahit nasa harap na siya ng lolo niya at ang sama ng tingin sa kanya ay wala namang pakialam sa kanyang paligid. “Maupo kayo,” pagyayaya sa amin ni Mrs. Cruz habang inaayos niya ang kanyang suot na salamin kaya sumunod naman kami. Pagkaupo pa lang namin may pinatong si Adam sa lamesa, yong mga litrato na kuha sa CCTV at napasilip ako nang makita nga si Kent ang mga nasa larawan na ginagawa niyang parang graffiti wall sa labas ng girls comfort room at mga ilang litrato na kasama na kami dahil sa gulong nangyari. Napadako naman ako ng tingin sa kamao ni Mr. Tomas na para bang nanggigigil at sinundan ko ang tingin niya na nanlilisik pa rin siyang nakatingin kay Kent. Hindi ko alam kong kanino ako maawa sa kanya, siya na puro kunsomisyon ang bibigay ni Kent o kay Kent na palagi na lang ganito ang takbo ng buhay niya at para bang hindi siya nagsasawa. “Mr. Tomas pang ilang offense mo na ito sa paaralan na ito?” Tanong ni Mrs. Cruz sa kanya. Para namang nag-iisip si Kent bago siya sumagot, “hindi ko na po mabilang.” “Wala talagang galang ang batang ito,” sagot ni Mr. Tomas ngunit pinakalma pa rin niya ang emosyon niya dahil may iba siyang taong kaharap maliban sa apo niya. “Dahil sa napag-usapan namin ni Mr. Tomas bibigyan ka ng karampatang parusa dahil sa nangyari at kasama kayong dalawa,” literal na nanlaki ang mata ko sa gulat sa naging desisyon ni Mrs. Cruz. “Bakit ako nakasama?” Tanong ni Kelly na nakaupo sa tabi ko. “Wala naman akong kasalanan,” kinakabahan na ako dahil sa oras nalaman ito ni tito at ni mama malalagot ako nito sa kanilang dalawa. “Ikaw Ms. Ramirez imbes na pigilan mo sila ay nakisali ka pa.” “Ginawa ko naman po,” nag-aalala kong tugon sa kanya. “Pero mas lalo lang gumulo ang sitwasyon,” saka naman siya sumulyap kay Kelly, “one of the rules sa school na ‘wag kang mananakit ng kapwa mo kamag-aral kaya makakasama ka sa parusa.” Napabuntong-hininga na lamang si Kelly at hindi na siya sumagot pa. Gusto ko siyang pilitin na sana hindi kami mapasama rito ngunit hindi ko nagawa pa. “Sa sabado magkakaroon kayo ng community service kong saan maglilinis kayo ng public garden ng school at si Mr. Mortel ang magbabantay sa inyo bilang SSG president ng paaralan natin. Ang hindi sumipot sa araw na yon ay hindi mapipirmahan ang clearance ninyo bago pa man magtapos ang taon o hindi kayo mabibigyan ng TOR at good mora.” Isa-isa niya kami tinitignan habang nagpapaliwanag, “nagkakaintindihan po ba tayo?” Walang sumasagot sa amin dahil kahit ako’y ayaw sumang-ayon dahil sa una pa lang si Kent lang naman ang may kasalanan. “Nagkakaintindihan ba tayo?” Pag-uulit ni Mrs. Cruz. “Yes ma’am.” “Opo.” Sabay-sabay naming sagot at napabuntong-hininga naman si Mrs. Cruz. “Mabuti naman kong ga’nun makakaalis na kayo.” Unang tumayo si Kelly palabas ng silid, sumunod naman si Adam at ako ang nasa hulihan nila habang papalabas na ako narinig ko ang maanghang na salita na binabato ni Mr. Atom sa kanyang apo na si Kent habang papasok naman si Mrs. Cruz sa kanyang silid. “Hindi ka nahiya, hindi muan pinatahimika ang pangalan ng mga magulang mo at lalo na ako. Hindi ka matulad sa mga pinsan mo na nag-aaral ng maayos at nagkakaroon na ng achievements sa kanilang buhay sa kanyang mong edad. Ikaw, tignan mo nga yang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya sa mga taong nakakakilala sa ‘yo?” Natigilan ako at napasulyap sa kanila. Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa doorknob at hindi nila ako napapansin. Alam kong iba si Kent sa pamilya lalo na’t ‘yon ang usap-usapan ngunit hindi ko naman alam na ganito pala siya pagsalitaan ng kanyang lolo. “Edi sila na lang ang maging apo mo, hindi naman ako namimilit,” padabog na sagot ni Kent. Mas lalo akong nagulat nang sampalin siya ni Mr, Kent sa mukha, para bang ako ang nasaktan sa sampal na ‘yon na sobrang lakas pwede kang mabingi dahil napabaling pakanan ang ulo niya sa pagkasampal sa kanya at bago ko pa man masilayan ang lahat may humila sa kamay ko para hilahin ako palabas ng silid na ‘yon. Hindi ko inaasahan na si Adam pala ‘yon at hawak pa rin niya ang pulso ko, “’wag ka nang making baka ikaw pa ang mapagbalingan ng galit ni Mr. Tomas,” saka niya ako binitawan. “Salamat,” sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita pabalik kaya sinundan ko lang siya maglakad palayo sa ‘kin, ilang segundo akong naroon at bahagya kong naririnig ang pagtatalo ng mag-lolo bago ako tuluyang naglakad sa kabilang pasilyo. Hahabol pa ako sa ilang klase ko sa hapon bago pa man mag-uwian. Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin kong anong palusot ang sasabihin kong paano ako napasama sa gulong ito kila mama, gusto ko man itago hindi ko yon magagawa dahil nasa iisang lugar lang kami ni tito at unang magsasabi kay mama kong hindi ko sabihin sa kanya ay si tito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD