Chapter 45 Napagdesisyunan ni Adam na ibaling na ang papa niya at pamilya ni Kent ang nag-asikaso nito. Pakiramdam ko nga mas pamilya pa ni Adam ang pamilya ni Kent dahil simula nong ma-aksidente siya hindi siya nito iniwan sa lahat ng gastusin at pag-aasikaso. Ginagabayan siya sa ng parents ni Kent na asikasuhin ng tama ang pera at ipinapaliwanag ang kailangan nito. Saksi ako sa lahat ng ‘yon at na andoon ako kasama sa pagpaplano nila kaya alam ko kong anu ang mga nangyayari. Laking pasalamat ko na lang na pinayagan ako ni mama na pinasabi niya kay tito Mark na pwede akong sumama sa libing ng kaibigan ko at may ilang protocols pa akong kailangan pagdaanan bago ako pinayagan ng ospital at ng doctor ko na lumabas. Pero hindi pa rin nagpapakita si mama sa ‘kin sa ospital at mag-iisang ling