XELLONIA POV LUNES na lunes ay parang may giyera na muli sa bahay namin. Nakatingin ako sa pinto ng kʼwarto habang naririnig ang malakas na boses ni Mama. “Sino nga ang kumuha ng pera ko, Raffy? Tayo—tayo lang naman ang nandito!” “Hindi ko alam, Gina! Wala akong kinukuha sa pera mo! Alam mo iyan. Hindi ko pinapakialaman ang perang tinatago mo!” Napailing na lang ako nang marinig ang salitang pera. Isa lang naman ang kumukuha ng pera sa amin, si kuya Randy. Para sa pang—scatter niya. Tumayo na rin ako para makapaghanda sa pagpasok sa campus. Wala naman na ginagawa, pero mas okay ng nandoon ako kaysa nandito dahil maririnig ko lang ang away nila palagi. Kinuha ko na ang towel, underwear at uniform ko, lumabas ako sa kʼwarto hanggang marinig kong nagsalita si kuya Randy. “Bakit hindi

