SANTI POV
“SANTI! Santi?”
Napapitlag ako nang marinig ang malakas na boses ni Vill, nakita ko ang mukha niyang nag—aalala.
“What the fudge!” bulalas niyang sabi nang makita ako. Nakita ko ang mukha niyang nakahinga nang maluwag.
“Hey, what happened to you?” tanong ko sa kanya.
“What happened to me? Ako nga ang dapat magtanong niyang sa iyo, Santi. Anong nangyari sa iyo? Bakit nandito ka sa Police Station? Sinabi ko naman sa iyong maghintay ka roon sa parking ng bar na iyon, pero nang dumating ka roon ay wala ka na roon. Nakiusap pa ako sa Maravilla na iyon na tignan ang CCTV para mahanap ka, mabuti na lang ay good mood ang ogag na iyon! Nalaman kong buntis na pala ang asawa niya, kaya sobrang saya ng ogag!” mabilis at madiin na sabi ni Vill sa akin.
Hindi siya galit. Nag—aalala lang niyan at naiinggit.
“Huwag ka na mang—iingit kung magkakaroon na siya ng anak—”
“Hindi ako naiinggit! Bakit nandito ka pala, ha? Anong nangyari sa labi mo? Napaaway ka ba? Hindi ka nga marunong makipag—away? Sino umaway sa iyo?”
Napailing ako sa kanyang sinasabi. “Low down your voice, Vill. Nasa Police Station tayo. Hindi ako nakipag—away... Napasubsob ako kanina kaya tumama iyong labi ko at nagkaroon ng sugat. Then, may tumulong sa akin na babae, siya ang naglagay nitong band—aid sa aking labi.” paliwanag ko sa kanya.
“Kaya naman pala flower ang design.”
Flower. Hindi ko alam iyon.
“Nasaan na iyong babaeng tumulong sa iyo para mapasalamatan natin, Santi.”
Tinignan ko siya. “Kanina pa raw nakaalis at hindi niya binigay ang name niya, Vill. Gusto ko siyang mahanap!” madiin na sabi ko sa kanya.
“Gusto mo siyang mahanap? Para ibigay ang gantimpala niyang pagtulong niya sa iyo? Okay, hahanapin natin. Mag—a—ask tayo sa kanilang CCTV!” sabi niya sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Hindi lang iyon kaya gusto ko siyang makita. Vill, kamukha niya si Penelope. Maging ang boses nila ay may pagkakapareho.”
Nakita ko ang mga mata niyang naningkit. “Santi, lasing ka lang kaya naririnig mo ang boses ni Penelope sa kanya.” madiin niyang sabi sa akin.
“Nagsasabi ako ng totoo, Vill! Tignan natin ang CCTV para maniwala ka!”
Alam ko ang nakita at narinig ko.
Hindi ako nagha—hallucinate kanina.
“Okay, fine. Stay here, kakausapin ko sila.” Tumango ako sa kanyang sinabi at naghintay ako rito sa gilid.
Paniguradong magkikita muli kami ng babaeng iyon.
Pumayag din agad ang mga pulis na tignan namin ang CCTV para makita ang mukha ng babaeng tumulong sa akin. Ganoʼn na lang dismaya ko nang makitang nakatalikod at hindi siya hagip sa mga CCTV.
“Mukhang mailap ang tumulong sa inyo, Sir. Hindi siya nakikita sa CCTV.”
Hindi na lang ako nakapagsalita sa komento ng pulis na sinamahan kami.
“Maraming salamat. Aalis na rin kami.”
Hinawakan na ni Vill ang kamay ko. “Kaya mo bang lumakad?” tanong niya sa akin.
Tinignan ko siya at tumàngo. “Kaya ko—” Isang habang ko pa lang ay muntik na akong matumba.
“Hindi mo kaya.” Inalalayan niya akong maglakad hanggang makarating kami sa kotse.
Nakasakay na kami sa kotse niya. “Totoo ang sinasabi ko, Vill. Kaboses at kamukha niya si Penelope. Lasing ako pero alam ko ang aking nakikita kanina! I want to search her, Vill! Para makita mo rin na totoo ang sinasabi ko!” madiin na sabi ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako nang mabilis. “Okay, fine. Kung totoo ang sinasabi mo, Santi. Hahanapin natin siya, pero hindi nga natin alam ang pangalan niya? Saan siya nakatira? Alam mo ba?” Dama ko ang inis sa kanyang boses.
“K—Kyusi... Iyon ang sinabi niya sa mga pulis kanina.”
Tinignan niya ako na parang walang gana. “Kyusi? Ang laki ng Kyusi, Santi.”
“Alam ko na! Manawagan tayo sa facetagram, Vill. Halos lahat ng hinahanap ay nakikita kapag nagpopost doon!” Proud na sabi ko sa kanya.
“Wala nga tayong picture niya, Santi. Anong ilalagay mong caption? Hello, Iʼm searching for this girl who help me in Flavor of the Month...blah... Blah! Ganoʼn ba ang ilalagay mo? Isipin mo na lang na hindi nangyari iyon. Lasing ka lang talaga. Matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo.”
Napabuga na lang ako ng aking hininga dahil sa sinabi niya. Hindi na dapat siya pilitin dahil mainit na ang kanyang ulo. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, pero hindi ako susuko na hanapin siya.
Hanapin ang babaeng tumulong sa akin.
Pasadong ala—una nang madaling araw nang makarating kami sa bahay. Nawala gaano ang aking kalasingan. Naglalakad na kaming dalawa papasok sa loob ng makita namin si Betty, ang kasambahay namin at nag—aalaga kay Penelope noong nabubuhay pa siya.
“Good morning po, Masters!”
Naningkit ang mga mata ko nang makitang gising pa siya at nakabihis pa rin. “Bakit gising ka pa, Betty? Anong kailangan mo?” tanong ni Vill habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
Tinignan niya kami at may inabot na papel. “Magre—resign na ho ako, Masters. Wala na rin naman ho akong gagawin lalo naʼt wala na si Madam Penelope. Kinausap ho ako ng mga anak ko sa probinsya na bumalik na lang ho ako roon at asikasuhin ang mga alaga naming hayop. Kanina pa po dapat ang alis ko, hinintay ko lang po kayong dumating. Maraming salamat ho, Masters.” mabilis niyang sabi kaya nagulat kami sa ginawa niya.
“Madaling araw pa lang pʼwedeng mamaya ka na umalis—”
“Hindi na ho, Sir. Ganitong madaling araw ay maganda ho ang byahe. Maraming salamat ho. Alis na ho ako.”
Hindi na kami nakapagsalita at biglang na lang siya lumabas sa gate namin. Kaya lumakad na papasok sa living room at doon ay nakita naming gising pa ang iilang kasambahay namin.
“Bakit gising pa kayo?” tanong ni Vill sa kanila.
“Hinihintay ho namin kayong dumating, Masters.” sabay nilang sabi sa amin.
“Magsitulog na kayong lahat. Bago iyon, humanap kayo ng papalit kay Betty na mag—aalaga sa kʼwarto ni Penelope.” baritonong sabi ni Vill sa kanilang lahat.
Nakita naming nagtaas ng kamay si Karen, ang scholar at anak ng dati naming kasambahay. “Ako na lang po maghahanap, Masters! May kakilala po ako, classmate ko po and scholar din po sa Lazaro University. Masipag po iyon lalo naʼt staff po siya sa canteen.” mahabang sabi niya.
Tumango si Vill sa kanya. “Kung gusto mo, Karen. Ikaw na humanap at dalhin na lang siya sa Monday para ma—interview namin.”
“Okay po. Dadalhin ko po siya rito after ng school hours namin.” sabi niya sa amin.
“Magsitulog na rin kayo.” Tumango sila sa amin at ako naman ay nauna ng umakyat.
Fudge, nararamdaman ko na ang sakit ng ulo ko.