Meeting Nakakapanabik ang kanyang alok sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak. Pakiramdam ko kasi, hindi na ako makahinga. Ang dumaan sa aming gilid ay bahagya pang napatigil at sinuri ang ginagawa namin ni Faustino. Tinago ko ang kung anumang nabubuo sa isipan ko. "Anong sinabi mo?" Kunwari hindi ko siya narinig. "Isang gabi kapalit ng Iphone?" Napatigil ang isang grupo na dumaan sa gilid namin. Nasindak sa aking sinabi. Pumikit naman ng mariin si Faustino tila nahimasmasan. "Where's your table?" "Magbabanyo lang ako," tumalikod agad ako at pumasok na sa banyo. Alam ko rin na nasa likuran ko siya at sumusunod. Hindi ko alam kung bakit niya pa'to ginagawa. Inayos ko ang aking damit bago lumabas ng banyo. Nandoon lang siya at nakahilig sa dingding tila malali