DO NOT COPY OR SPREAD SOFTCOPY ANY OF MY WORKS. ❌❌❌ Apoy Nasa trabaho na ako at inaalala ang mga sinisante ni Faustino. "Grabe! Alam mo,kinaiinggitan ka na ng iba nating kasamahan ngayon. Mukhang natipuhan ka nga ni sir Faustino o baka totoo nga yung tsismis ni Jezia na-" "Miss Ava, pakibigay naman itong mga records ng mga sisibakin ni sir Grey sa office niya. Wala kasi akong mautusan. Nasa labas pa 'yung secretary ko." naputol ang sasabihin ni Marga dahil sa pag lapag ng aming head director ng iilang papeles sa aking mesa. Napasinghap ako. "Yes po!" Ngumisi naman si Marga sa akin. Alam kong nasa opisina ni Faustino ang tatlong lalaki. Alam kong nabastos ako kanina pero sobra sobra naman yata na patalsikin sila sa trabaho. Paano nalang ang pamilya nila?Mahirap makahanap ng trabaho