"May problema ka no?" Tanong sa kanya ni Akio sabay abot ng bote ng alak. Matapos ang kanilang hapunan ng asawa nagpaalam siya rito na aalis at may aasikasuhin lang saglit. Maiiwan ito mag isa sa loob ng bahay pero marami namang bantay na nasa labas lang kaya safe pa rin ito. Sinabihan rin niya ang asawa na huwag lumabas at gabi na. Wala naman itong naging tugon sa kanya, pero ramdam niyang galit pa rin ito sa kanya. Pinagbilinan din naman niya ang mga tauhan niya na huwag paalisin ang asawa niya kung sakaling lumabas ito. "Halata ba?" He asked back at uminom sa alak na binigay ng kaibigan. "Yes, pare halatang-halata. Hindi naman kasi ganyan ang itsura mo sa tuwing nagtutungo ka rito sa bar ko," tugon sa kanya ni Akio. "Ano ba ang problema mo? Ang asawa mo ba?" Tanong pa nito sa kanya