Hindi siya mapakali at pasilip-silip siya sa bintana para tignan kung dumating na si Kian, malalim na kasi ang gabi at wala pa rin ang asawa. Hindi tuloy siya makatulog at nais munang masigurado na nakauwi na ang asawa bago siya matulog. Nakailang beses na rin siyang sumilip sa cellphone kung may message ang asawa kung bakit hating gabi na wala pa rin ito, pero wala man lang itong text message. Nagpaalam naman sa kanya ang asawa kanina na aalis ito, iyon nga lang masyado ng malalim ang gabi at wala pa rin ito. Hindi naman sa nag-aalala siya rito, mag-isa lang kasi siya sa loob ng bahay kaya mas maigi kung dumating na ito para naman may kasama na siya at hindi puro tauhan lang na nasa labas ang kasama niya. "Anong oras kaya siya darating?" Bulong na tanong niya sa sarili matapos sumilip