"Talaga? Kian, pumapayag ka nang pakasalan ang anak kong si Amanda?" bulalas ni Mr. Cruz sa kanya matapos niyang maibigay ang kanyang sagot dito. Banayad siyang tumango dito bilang kasagutan. Nakita niyang nagliwanag ang mukha ni Mr. Cruz. Mula pa kahapon napansin na niyang medyo maaliwalas na ang mukha ni Mr. Cruz, marahil dahil sa nabigyan niya ito ng pag-asa nang pangakuhan niya itong pag-iisipan niya ang tungkol sa pakiusap nito. At ngayong araw nga, naibigay na niya ang kasagutang nais marinig ni Mr. Cruz. At sigurado na siya sa kanyang pinapasok. "Salamat, Kian, at pumayag ka na. Maraming salamat," pasalamat sa kanya ni Mr. Cruz na napatayo pa mula sa kinauupuan nito para makipagkamay sa kanya. "Pero may pakiusap pa po ako sa inyo, Mr. Cruz," sabi niya. "Ano iyon, hijo? Kahi

