"Mukha na ba kong kagalang-galang nito?" tanong ni Amanda sa sarili habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang sarili. Demure white blouse and beige high-waist shorts ang napili niyang bilhin kanina sa mall, na tinernuhan niya sa luxury sandals na nabili pa niya sa Japan nang mag-Japan sila ng Mommy at Daddy niya. Inayusan din niya ang mahabang buhok, naglagay pa siya ng headband sa ulo na galing din sa isang luxury brand. Sinunod naman niya ang gusto ng Daddy niya na mag-ayos siya nang elegante at huwag magsuot ng dati niyang sinusuot. Nais ng ama na magmukha siyang elegante at desente sa bisita nito. Kahit hindi naman siya sabihan ng Daddy niya, desente naman siya. At para sa kanya, perfect na. Elegante na ang kanyang datingan, at sana naman pasado na sa Daddy niya at

