"Hey, Amanda, I'm about to ask you the same question. What are you doing here?" balik-tanong sa kanya ni Molly habang nakataas pa ang kilay ng kaibigan. Hindi tuloy niya naiintindihan ang nangyayari at kung ano ang ibig sabihin ng pagkikita nilang ito ng kaibigan sa Governor's Office sa kapitolyo. "May ipinahatid lang ang Mommy ko kay Governor Kian," tugon niya sa kaibigan. Iyon naman ang totoo. Inutusan lang naman talaga siya ng Mommy niya na magdala ng ulam kay Kian. Nagkataon lang na kung anu-ano ang pinagsasabi sa kanya ni Kian kaya nagkaroon sila nito ng hindi magandang usapan. Ganoon pa man, para sa kanya, wala siyang pakialam kahit ano pa ang tingin at sabihin sa kanya ni Kian o kahit na sino. Kilala niya ang kanyang sarili kaya hindi siya dapat mabahala kung ano ang tingin

