Lunes. Maaga siyang nagising para maghanda na sa pagpasok sa eskwelahan. Kailangan niyang mag-ayos at magsuot ng maganda dahil nais makipag-compete sa kanya ni Molly. Nakita niya sa social media ng dating kaibigan ang post nito about sa pag-let go ng kaibigan na nais daw mang-agaw. As if naman na pagmamay-ari na nito si Kian. Sa tagal na nilang magkaibigan ni Molly, ngayon pa lang sila nito nagkagulo sa isang lalaki lang. At kung nais talaga ni Molly na makipaglaban sa kanya, well, hindi siya uurong dito. Siya pa ba ang hahamunin nito? Kayang-kaya niyang lumaban kahit mag-isa lang siya. And also, hindi niya kailangan ng kaibigan. Kaya niyang mabuhay nang walang kaibigan, lalo na kung nagpaplastikan lang naman sila ni Molly. Pagbaba niya sa komedor, naroon na ang kanyang Mommy at

