Chapter 3

1284 Words
Chapter 3 Hingal na hingal at pagod na pagod si Suyen kakatakbo sa masukal na kagubatan ngunit hindi pa rin siya tumitigil, halos madapa siya ng makailang beses sa pagtakbo, ilang beses niyang inilagan ang nagtataasang puno, madilim ang gubat at tanging sinag ng buwan ang liwanag niya. Wala siyang ideya kong kong na saan siya at kong ga’ano na siya kalayo sa mansyon ni Nikolai. “Ahhhh!” Nagpagulong-gulong si Suyen sa lupa ng mapatid siya ng malaking ugat na nakaangat sa lupa. Hindi siya agad nakatayo at nanatili siyang nakahiga, pagod na pagod na siya, nakatanaw siya sa madilim na kalangitan, pawis na pawis, ‘kailangan kong bumalik sa’min,’ hindi maiwasan ni Suyen na mapaiyak sa takot dahil sa nangyayari. “Beatrice!” “Lady Beatrice!” “Na saan ka na?!” Nanlaki ang mga mata ni Suyen nang marinig niya ang boses na papalapit sa kanya, agad siyang tumayo kahit na hirap na hirap na siya. Muli siyang tumakbo at dahil sa kaluskus niya nakuha niya ang atensyon ang grupo nila Nikolai na naghahanap sa kanya at agad siyang sinundan. “Beatrice!” ‘Hindi pwede, hindi nila ako pwedeng maabutan,’ sa isip-isip niya habang tumatakbo, ngunit hinang-hina na ang mga tuhod niya kaya muli siyang natumba at napaluhod, pinipilit niyang tumayo ngunit hindi na niya magawa, pagod, gutom at antok ang kalaban niya. “Beatrice?” Napalingon siya kay Nikolai na di kalayuan sa kanya, kasama na naman nito ang mga lalaking nakita niya kanina, may mga dalang mahahabang baril at ilaw. Dahan-dahan tumayo si Suyen, lalapit sana si Nikolai ng umatras ang dalaga. “Wag kang lalapit sa’kin!” Sigaw ng dalaga. Huminto si Nikolai, hindi niya malaman kong ano ang mararamdaman niya para sa dalaga, inis o awa dahil sa itsura nito ngayon. “Ano bang gusto mong mangyari? Umuwi na tayo, wag mo ng pahirapan ang sarili mo, ikaw lang ang napapagod sa ginagawa mo.” Nag-aalalang wika ng binata. “Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng umuwi sa’min, hindi ako tagarito, hindi kita kilala, hindi ako si Beatrice, hi-hindi ako tagarito,” pagsusumamo ng dalaga habang unti-unting tumutulo ang luha niya sa pagod. Hindi rin maintindihan ni Nikolai ang pinagsasabi ng dalaga. “Hindi ka na pwedeng bumalik sa inyo, ilang buwan ka ng nakatira sa mansyon, kong inaalala mo si France alam naman nating iniwan ka na niya, may pinakasalan na siyang iba, ikakasal ka na sa’kin, ilang beses mo na rin ‘tong ginawa, paulit-ulit, hindi ka pa ba napapagod?” Umiling-iling si Suyen, “hindi yan totoo.” “Ano bang nangyayari sayo?” Ngunit napalitan ng takot at mas lalong nag-alala si Nikolai sa nakikita niya sa likuran ni Suyen. “Beatrice wag kang gagalaw, dyan ka lang sa puwesto mo, wag kang gagalaw,” natakot siya para sa dalaga. Nalito si Suyen at nakaramdam siya na may gumagalaw sa likuran niya, hanggang sa lumabas sa dilim ang isang lobong itim na gutom na gutom at isang pagkain ang tingin sa dalaga. Ngunit sa kuryosidad ni Suyen unti-unti niyang nilingon ang lobo sa likod, natakot siya at napasigaw. “Beatrice!” Napatakbo si Suyen sa puwesto ni Nikolai at agad na binaril ng isang lalaki ang lobo na agad na kinamatay nito. Nandoon pa rin ang kaba sa puso ni Suyen, lumapit naman ang isang lalaki para tignan kong talagang patay na ang lobo. WALANG NAGAWA si Suyen kong di ang sumama sa binata, ngunit hindi niya inaasahan ang sunod nitong plano, huminto ang karawahe sa isang malaki at abandonadong kulungan ng mga kabayo, na unang naglakad ang lalaking tagasunod ni Nikolai para buksan ito. “Ikulong ninyo siya,” utos ni Nikolai. Nanlaki ang mga mata ni Suyen na nakatingin sa binata, bigla na lang hinablot ang magkabila niyang braso ng dalawang lalaki, “teka anong gagawin mo sa’kin!?” Nagpupumiglas si Suyen sa dalawang lalaki ngunit mas malakas ito sa kanya. “Patawarin mo ko sa gagawin ko, pero punong-puno na ako sayo, magtanda ka sana.” Aniya ng binata. “Hindi, wag!” “Sige na ipasok na ninyo siya sa loob.” Saka naglakad palayo si Nikolai. Puwersahan siyang pinasok sa loob, tinulak siya sa loob bago siya pinagsarhan ng pintuan. Unti-unting nilamon si Suyen ng dilim, agad siyang tumakbo papalapit sa pintuan, kinalampag niya ng kinalampag ito, “pakawalan ninyo ako nito! Ibalik ninyo ako sa’min, gusto ko ng umuwi!” Paulit-ulit hanggang sa wala ng makarinig sa kanya. *** Hindi makapagtrabaho ng maayos si Nikolai at nanatiling nakatitig sa typewriter, hindi mawala sa isip niya ang ginawa niyang pagkulong kay Suyen na kilala niya bilang Beatrice, labag sa loob niya ang ginawa pero gusto niyang magtanda ang dalaga lalo na’t ikakasal na sila. Dalawang taon ng mahestrado si Nikolai Hollon, sumunod siya sa yapak ng mga magulang niyang dati ring mga mahestrado ng bayan, nagtratrabaho siya sa gobyerno at ilang kaso na rin ang nahawakan niya, kilala siya sa buong Nurlin. Mahal na mahal niya ang dalaga at alam niyang kahit na kailan hindi ito magkakaroon ng kahit na anong pagmamahal para sa kanya. Simula ng maging katulong si Beatrice sa kanilang mansyon noong tatlong buwan na ang nakakalipas, do’n din nag-umpisang makaramdam ng kakaiba ang binata sa dalaga, ngunit nalaman din niyang may iba itong kasintahan. Dahil galing sa mahirap na pamilya si Beatrice tutol ang pamilya at mga magulang ni France na dati nitong kasintahan sa dalaga, may malaki ring pagkakautang ang mga magulang ni Beatrice sa pamilya nila Nikolai. Humantong na mismong pinang bayad si Beatrice sa pamilya ni Nikolai, kaya sinabi ng binata na gawin itong katulong sa kanya mismong mansyon at pinagtapat niya sa mga magulang niyang gusto niyang pakasalan ang dalaga. Hindi tumutol ang mga magulang nito, ngunit ayaw na ayaw sa kanya ng dalaga, hanggang sa malaman nilang kinasal na si France sa ibang babae, do’n nag-umpisang maglayas si Beatrice sa bahay sa mansyon, ngunit hindi napapagod si Nikolai na hanapin ang dalaga, pero ito na ata ang pinakamatinding paglalayas ng dalaga. ‘Bakit hindi niya ako maalala?’ Tanong niya sa kanyang isip. Hindi niya namalayan na may isang matandang bisita ang pumasok sa opisina niya sa munisipyo ng Nurlin. “Anong iniisip ng binatang mahestradong ito?” Paos na boses ang pumukaw ng atensyon ng binata. Napangiti siya ng makita niya ang bisita, “nandyan po pala kayo doktor Smith, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Maupo po kayo.” Naupo naman ang matanda, halos kulay puti na ang buhok nito sa katandaan at may suot itong bilog at maliit na salamin, matagal na silang magkakilala, at personal na doktor ito ng pamilya ni Nikolai kaya pangalawang ama na rin ang turing nito sa doktor. “Kamusta ka na iho? Balita ko nakauwi na pala si lady Beatrice.” Wika nito. “Oo,” buntong-hininga sagot ng binata. “Mukhang may problema ang binata mahestrado,” asar nito sa kanya. “Hindi ko maintindihan si Beatrice ngayon,” saka naikwento ni Nikolai lahat sa matanda ang nangyari. Tahimik lang na nakinig ang matanda hanggang sa matapos si Nikolai, tumango-tango ito, “alam ko kong bakit nagkakaga’nun si lady Beatrice.” “Ano?” “Sinabi mong isang buwan siyang nawala, hindi mo alam ang mga nangyari sa kanya, hindi kaya sa pagkawala niya nagkaroon ng aksidente at nawalan siya ng ilang alaala, maaring mangyari ‘yon, hindi kaya ‘yon ang nangyari sa kanya, kaya mas magandang intindihan mo siya ngayon.” Paliwanag ng doktor. Muli na naman napaisip si Nikolai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD