Chapter 4

1168 Words
Chapter 4 Sumisilip ang sinag ng araw sa mga butas ng abandonadong kulungan ng mga kabayo kong saan kinulong si Suyen, hinang-hina siya, walang kain, walang tubig, pagod sa buong gabing pagtakbo niya para lang makatakas at makabalik sa kanila at walang tulog, pinilit niyang gising buong magdamag. Namumutla, nilalamig at nanginginig sa kinauupuan sa sulok. Buong magdamag din siyang iyak ng iyak, ‘gusto ko ng umuwi,’ sabi ng isip niya. Napasulyap siya sa pintuan ng magbukas ito, unti-unting pumasok ang liwanag sa loob ng kulungan, naaninag niya ang binatang papasok sa kulungan, dahan-dahan tumayo si Suyen kahit na hinang-hina na siya ngunit hindi kinaya ng katawan niya at agad siyang bumagsak. Narinig pa niya ang boses ng binata, “Beatrice.” *** Karga-karga ni Nikolai ang dalaga hanggang sa maipasok niya ito sa silid niya, putlang-putla ito, inis na inis ito sa sarili dahil sa ginawa niya sa dalaga, nasa likod niya ang dalawang katulong na dalaga, “kumuha kayo ng gamot,” utos niya rito kaya dali-dali ring lumabas. Hinaplos niya ang noo ng dalaga, sobrang init nito. Muling bumalik ang katulong dala ang tubig, kutsara at gamot na nakalagay sa iisang lalagyan, dumistansya si Nikolai para sa katulong. “Painumin ninyo siya para mawala ang lagnat niya.” Utos niyang muli. “Masusunod po,” tugon ng katulong. Umupo ito sa tabi ni Suyen, naglagay ito ng tamang dami ng likidong gamot sa kutsara saka ito dahan-dahan na tinapat sa labi ng dalaga ngunit lahat ito’y natapon at bahagya lamang ang nakapasok sa bibig nito. “Master Nikolai natapon po ang lahat ng gamot.” Sabi ng katulong. Alam naman niyang sa ganitong sitwasyon mahirap magpainom sa may sakit ngunit gusto niyang gumaling ang dalaga, kinuha niya ang lalagyan ng gamot at kutsara, naglagay din siya sa kutsara ng tamang dami nito at sinubo sa kanya, ngunit hindi niya nilunok. Tumabi siya sa dalaga at dahan-dahang yumuko, bahagya siyang nag-alangan dahil ni minsan hindi pa nagdampi ang mga labi nila, unti-unti na niyang nalalasahan ang pait ng gamot, hanggang sa tuluyan na siyang yumuko, sa pamamagitan ng halik niya naipasa niya ang gamot sa dalaga. *** Nagising ang dalaga at una niyang nasilayan ang binatang nakadungaw sa kanya at nag-aalala sa kanyang kalagayan, hinahaplos-haplos ang buhok niya animoy pinapatulog na bata, nakahiga siya sa kama at sa pamilyar na silid kong saan siya dinala ng mga ito. “Patawarin mo ko Beatrice, hindi ko sinasadya ang mga nangyari, naiintindihan ko na kong bakit ka nagkakaganyan,” wika ng binata. Hindi makapagsalita si Suyen dahil sa panghihina ngunit gustong-gusto niya ito sapakin dahil sa nangyari sa kanya. “Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng galit kaya ko nagawa ‘yon.” Pero punong-puno ng sinsiridad ang binata at ramdam-ramdam ‘yon ni Suyen. ‘Sino ba si Beatrice?’ Muling napaisip si Suyen, ‘ganito ba ka-importante si Beatrice sa kanya?’ Umupo ng maayos si Nikolai, “kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo, gusto mo bang umupo?” Tumango-tango na lamang si Suyen, gusto na niyang kumain, kagabi pa, inalalayan siya ni Nikolai na maisandal siya sa headboard ng higaan, do’n niya napansin na nakasuot siya ng bistidang pantulog. Nakapatong ang lalagyan na puno ng mga pagkain sa tabi ng kama ng dalaga, unang kinuha ng binata ang mainit na sopas, nagkatitigan pa sila ng akmang susubukan niya ang dalaga. Dahan-dahan ngumanga si Suyen hanggang sa malasahan niya ang pagkain, ‘yon na ata ang pinakamasarap na pagkaing nakain niya. “Nakausap ko kaninang umaga sa opisina si doktor Smith, may napagtanto kami kong bakit ka nagkakaganyan, matanong ko lang habang wala ka rito may nangyari bang aksidente?” Bahagyang nagulat si Suyen, “o-oo,” paos na sagot ng dalaga. Ang naalala niyang aksidente ‘yong nangyari sa bus bago siya mapunta rito. “Naiintindihan ko, dahil sa aksidenteng ‘yon maaaring nakalimutan mo ang lahat.” ‘Amnesia? Hindi pwede tanda ko pa ang lahat ng nangyari, malinaw pa rin siya sa’kin hanggang ngayon,’ sa isip- isip ni Suyen. “Kong hindi mo ko naalala, ako si Nikolai Hollon, dalawang taon na akong mahestrado rito sa bayan ng Nurlin ako ang pumalit sa ama ko na magtrabaho sa gobyerno, ikaw si Beatrice Larson.” Paliwanag ng binata at muli siyang sinubuan ng sopas. Wala pa ring maintindihan si Suyen, wala siyang naalala kong paano siya naging si Beatrice Larson. PAGKATAPOS MAG-USAP sila Suyen, iniwan na siya ng binata sa kanyang silid, nakatitig siya sa kisame at iniisip pa rin ang lahat ng nangyari hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. ‘Kong magpapangap akong si Beatrice at nawalan ng alaala, siguro magiging ligtas naman ako, mukhang mabait naman si Nikolai at hindi niya ako papabayaan, hangga’t hindi ko pa alam ang gagawin ko kong paano makabalik sa’min ito muna ang gagawin ko.’ Sabi niya sa kanyang isip, napatango pa siya sa disesyun niya. Bumukas ang pintuan ng silid at isang katulong ang pumasok, sinara niya muli at nagmadali itong tumabi sa kanya para yakapin siya kaya nagulat siya. Kumalas naman ito at umupo ng maayos, “nakakainis ka,” para itong mangiyak-ngiyak, “alalang-alala ako sayo, totoo bang wala kang naalala, hindi mo na rin ba ako naalala?” Umiling-iling si Suyen, “hindi, sino ka ba?” Napanguso ang katulong na dalaga na halos kaseng edad lamang niya, “ako si Mildred, tandaan mo yan, matalik mo akong kaibigan, sabay tayong pumasok dito tatlong buwan na ang nakakaraan, sa’kin ka lang nakakapagsabi ng lahat ng hinanakit mo sa mga magulang mo, kong paano ka galit na galit sa kanila dahil ikaw ang pinagbayad nila sa utang nila kila master Nikolai, sinasabi mo rin sa’kin kong ga’ano mo kinasusuklaman si master at sinasabi mo rin sa’kin kong ga’ano ka nangulilal kay France ng magpakasal siya sa ibang babae, lahat ng hinanakit na ‘yon ako ang nakakaalam hanggang noong nakaraang buwan bigla ka na lang nawala, pasalamat ako at nahanap ka ni master.” Halos mangiyak-ngiyak si Mildred habang nagkwento ito. Umupo si Suyen para punasan ang luha ng dalaga, “nandito na ako diba, ayos na ako.” Tumango-tango si Mildred, “oo.” “Wala talaga akong naalala sa lahat, pwede mo pang ipaalala sakin,” pagkukunwari ni Suyen. Umiling si Mildred, “wag na kahit papaano maganda na ring nakalimutan mo ang lahat, awang awa ako sayo rati na wala akong magawa, tapos gusto mong maalala lahat ng ‘yon, wag na.” “Sige na para naman makilala ko ‘yong sarili ko, ayos lang sa’kin ang lahat, patawarin mo rin ako kong wala akong maalala at hindi kita maalala,” wika ni Suyen. “Ayos lang Beatrice, malaking pasasalamat ng lahat na andito ka na.” Aniya ng dalaga. Naalala naman ni Suyen ang mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD