Chapter 5
“Hayyy sabi na nga na dapat hindi na kita sinama rito,” wika ni Mildred habang hawak niya ang basket ang isang kamay at ang isang kamay naman ay yakap-yakap ni Suyen. Nakikipagsiksikan sila sa pamilihang bayan ng Nurlin.
Halos hindi rin makapaglakad ng maayos si Suyen sa kapal ng suot niyang bistida at nakasuot pa siya ng kapa panguntra sa lamig ng lugar, “mas maganda na rin ‘to para naman may maalala ako diba,” pagdadahilan niya ngunit ang totoo gusto niyang makilala ang lugar.
Samu’t sari at iba’t iba ang makukulay na kasuotan ng mga lalaki’t babae, matanda man o bata, para siyang bumalik sa sinaunang panahon ng London kong saan dapat naka-kursit o gown ang babae at nakapantalon at naka-coat ang mga lalaki.
Maingay din sa bayan, sa paglilibang ni Suyen sa paligid napabitaw siya kay Mildred, natabunan na ito sa dami ng tao, kinabahan siya at hindi alam ang gagawin, nakipagsiksikan siya para mahabol ang dalagang katulong ngunit lalong dumadami ang tao.
“Aray,” singhal niya nang bumungo siya sa kakasalubong niya, kamuntik na siyang matumba ngunit hawak siya sa kamay nito kaya napakapit din siya.
Nilingon niya ang lalaki, nakatingin sa kanya ang isang matipunong binatang nakatayo sa harapan niya, ang haba ng suot nitong coat na kulay brown abot hanggang tuhod, katulad din ni Nikolai kong manapit at masasabi niyang prominenting tao sa Nurlin.
“Ayos ka lang binibini,” wika nito.
Kinuha naman niya agad ang kamay galing sa binata, “ayos lang ako, paumanhin kong nabunggo kita hindi ko sinasadya, nawawala kasi ang kasama ko.”
“Mukhang bago ka lang rito binibini, ano ang pangalan mo?”
Napansin ni Suyen na lumuwag ang kalsada at nagsigilidan ang lahat, halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila, may ilang nagtataka sa kanya kong bakit niya kinakausap ng ga’nun ang binata, may dalawa rin itong tagapagbantay na nakasuot ng kompletong balote mula paa hanggang ulo.
“A---”
Nagulat na lamang si Suyen at napahinto ng biglang dumating si Mildred, yumuko ito sa harap ng binata, “magandang umaga po mahal na prinsipe, paumanhin po kong ano po ang nagawa ng kaibigan ko.”
‘Prinsipe?’ Pagtataka ni Suyen habang nakatingin sa binatang kaharap nila.
“Walang anu man,” wika ng binata.
“Hindi na po mauulit at aalis na po kami,” agad na hinatak ni Mildred si Suyen, “ano ka ba pati ba naman ang prinsipe nakalimutan mo kong sino.”
“Hindi ko siya kilala, paano siya naging prinsipe?”
“Monarkiya ang Nurlin kaya may hari’t reyna at prinsipe’t prinsesa, siya ang nag-iisang tagapagmana ng trono, nandito siya para subaybayan ang bayan,” paliwanag ni Mildred.
“Naiintindihan ko na,” wika ni Suyen.
PAGKABALIK NILA sa mansyon agad na binigay sa tagapagluto ang pinamili nilang pagkain, nasa silid si Suyen at Mildred, hindi maintindihan ni Suyen kong bakit kailangan na naman niyang magpalit ng bistida, labas na naman ang balikat dahil sa off-shoulder design ng gown, na kulay asul at napapalibutan ng mga palamuting animoy bulaklak at paru-paru sa palda nito, habang sa blouse nito ay mahigpit na naka-ribbon sa likod niya.
Inaayusan siya nito sa buhok kaya pareho silang nakaharap sa salamin, “bakit kailangan ko na naman magpalit?” Tanong niya.
“Kahit hindi ipag-utos ni master Nikolai kailangan kong gawin ‘to, ang sabi niya tatapusin niya agad ang trabaho niya ngayong araw dahil may darating na bisita galing Walton,” paliwanag ni Mildred.
“Ga’nun ba, importanteng tao ba siya?”
“Sabihin nating oo, dahil isa siya sa anak na babae ng emperor ng Walton, kababata siyang kaibigan ni master Nikolai, pero kong bakit siya nandito, hindi ko alam.”
“’Yan tapos na, sabi na mas bagay sayong nakaayos ang buhok mo,” papuri ni Mildred sa kanya.
Nakatirintas ito palibot sa kanyang ulo, mas gusto nga niya ang itsura ng buhok niya.
“Halika na.”
Sumunod naman si Suyen kay Mildred, ngunit pagdating nila sa hagdan ang siya namang pagbukas ng pintuan kaya napahinto si Suyen sa gitna, pumasok si Nikolai at agad siyang nakatitigan, mas napansin ni Suyen ang dalagang nakayakap ang kamay sa braso ng binata.
Nagtaka siya ng mapansin niyang gulat na gulat ito sa kanya, nakaramdam siya ng kakaiba sa dalaga na hindi niya maintindihan.
Tuluyan ng bumaba si Suyen, humiwalay naman si Nikolai sa babaeng kasama nito at sinalubong ang dalaga.
Kong anong ningning sa mga mata ng binata habang pinagmamasdan si Suyen, “mabuti naman at ayos ka na,” kinuha nito ang kamay ng dalaga at lumapit silang sabay sa babaeng nakatayo at nakatitig pa rin sa kanya.
“Hindi mo sinabi sa’kin na nandito na siya,” wika ng babaeng kaharap nila.
“Ito nga ang sinasabi kong surprisa ko sayo, si Beatrice.” Humarap si Nikolai kay Suyen, “Beatrice naalala mo ba siya si Cosette ang kababata ko.”
“Hindi ko siya kilala.”
“Paumanhin Cosette nagkaroon ng aksidente kaya wala siyang naalala na kahit na ano ngayon.” Paliwanag ni Nikolai.
Napatango naman si Cosette, “ga’nun ba, buti naman at mukha naman siyang maayos.”
“Tama ka dyan, halika na’t magtanghalian na tayo.” Yaya ng binata.
HABANG NASA hapag-kainan sila, nanatiling tahimik si Suyen habang kumakain, nasa mahaba silang lamesa nasa pinakaunang upuan si Nikolai, sa kanan naman siya ng binata at sa kaliwa si Cosette at siyang nagkwento sa buong tanghalian nila.
Marami ring napansin si Suyen kay Cosette, madalas itong hawakan ang kamay ng binata at animoy para bang ayaw ng bitawan. Kakaiba rin ito kong makatingin sa binata lalo na sa kanya.
‘Halata naman sa kanyang may gusto siya kay Nikolai,’ sa isip-isip niya.
“Bukas ng gabi ay may pagdiriwang sa buong Nurlin dahil sa pagdating ng ama ko, isang pagdiriwang na binigay ng hari gusto ko sanang pumunta ka sa kasiyahan na ‘yon at maging kasama ko.” Yaya ng dalaga.
‘Hindi ko alam na may malandi rin pala sa lugar nila,’ sabi ni Suyen sa kanyang isipan.
Ngumiti lang si Nikolai, “hindi ko alam kong sasama ako.”
“Bakit hindi ka sumama?” Parehong napasulyap si Nikolai at Cosette sa kanya. “Sasamahan kita,” sabay ngiti niya.
Napangiti rin sa kanya ang binata, “talaga, sigurado ka ba dyan?”
Napasulyap siya kay Cosette at animoy pinapatay na siya nito sa isipan, hindi maintindihan ni Suyen ngunit gusto niyang inisin ang dalagang nasa harapan niya ngayon.
“Bakit naman hindi, total mukhang masaya ngayon gusto kong masaksihan, masyado mong ginugugol ang oras mo sa trabaho, bakit hindi mo naman bigyan ng oras ang sarili mo.”
“Tama ka,” lumingon si Nikolai kay Cosette, “sige pupunta kami bukas.”
Napakuyom naman sa inis ang dalagang si Cosette habang nakangiti si Suyen sa kanya.
“Mabuti,” wika ni Cosette.