Chapter 9 Katatapos pa lamang ng agahan sa mansyon ni Nikolai ng magpaalam na siya kay Suyen na aalis para sa trabaho, “mag-iingat ka rito, kong gusto mong lumabas magpasama ka sa kanila.” “Oo,” ngiting tugon ni Suyen sa kanya. Sinabayan ng dalaga sa paglalakad ang binata hanggang sa makarating sila sa labas at naghihintay do’n ang karawaheng sasakyan ng binata. Ngunit hindi inaasahang pangyayari sa umagang ‘yon, sunod-sunod na palaso ang dumating na animoy parang ulan, napatili sa gulat si Suyen at napadapa, agad na kumilos si Nikolai at hinarangan ang dalaga sa panganib. Agad na nagsitakbuhan ang mga kawal kong saang direksyon ito nangaling, ngunit isang palaso ang dumaplis sa kanang braso ng binata, agad itong napasinghal. “Nikolai!” Tumigil din ang pagpapaulan ng palaso sa kong s