Chapter 10 “Sigurado ka na ba na papasok ka na ngayong araw?” Tanong ni Suyen kay Nikolai habang tinutulungan niya itong makapagbihis ng damit pang pasok. Hindi pa rin ga’anong magaling ang sugat nito at sariwa pa rin ang tahi. Napangiti ang binata at nararamdaman niya ang pag-aalala ng dalaga para sa kanya. “Ilang beses mo ng tinanong sa’kin yan, ayos na ako.” Sinuot naman ni Suyen ang itim na coat sa kanya, “baka lang naman matanggal ang tahi sa sugat mo at lumalala siya.” “Alam ko naman na may mag-aalaga sa’kin kong sakaling mangyari ‘yon.” Wika ng binata. Napasulyap si Suyen kay Nikolai, ‘ang swerte naman ata ng lalaking ‘to, sobra na siya,’ sarkastiko niyang sabi sa kanyang isip. Ngitian lang siya ng binata at mabilis na binigyan ng halik sa noo bago ito na unang lumabas ng sil