"Miss!"
Lumingon ako sa gate pagtapos mag-abot ng bayad sa taxi driver. Nakita ko pa ang paghingal at namumutlang mukha ni Fe nang lapitan ako. Tuloy ay kinabahan rin ako dahil baka nasa loob na si Deon kaya ganito na lamang ang kaba ni Fe.
"Bakit nariyan na ba sa loob si Deon?" may kabang tanong ko sakanya pagkaalis ng taxi.
Magkakasunod itong umiling bago kunin sa kamay ko ang aking bag.
"Wala pa Miss pero nasa loob ang sekretarya niya, nagdahilan lang po ako na may binili kayo sa botika, ewan kung naniwala yun basta sinamaan lang ako ng tingin kanina." pagsusumbong ni Fe habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Hayaan mo na ako na ang kakausap" tanging sagot ko na lamang.
Habang papasok ay nakita ko kung paano nagsisisulyapan ang mga kasambahay at guard na akala mo mga nakahinga ng maluwag dahil sa pagdating ko. Pagpasok ko ay agad kong nakita ang sekretarya ni Deon na naglalakad papalapit saakin. Huminto ako at pinanood lamang siyang maarte at taas noong naglalakad papalapit.
"Pinapabigay ni Mr. Montimor," seryosong sabi nito bago iabot saakin ang maliit na paper bag. "Kailangan mo itong inumin sa harapan ko para maireport ko kay Mr. Montimor na nakainom ka na ng gamot."
Nagbaba ako ng tingin sa inaabot niya saakin, nangunot ang noo ko bago matunog na napangisi. Inis agad ang naramdaman ko nang makita kung ano iyon.
"Akin na, " pahablot ko iyong kinuha bago nagmartsa papunta sa kusina.
"Miss..." nag-aalalang tawag saakin ni Fe matapos ko kumuha ng tubig at padabog na kunin sa loob ng paper bag ang gamot.
"Isa lang ba? oh baka kailangan sampung tableta ang inumin ko?" nang-uuyam kong tanong sakanya.
"Isa lang po Miss," natatarantang sagot nito, tila natakot na baka totohanin ko ang sampu. Hindi ba siya' nag iisip? edi namatay naman ako kung ganon.
Inilagay ko sa dila ko ang gamot, habang nakatingin sa serretarya ni Deon. Ito ang gusto nila diba? ang makasigurado na maiinom ko ang gamot ng sa ganon ay walang batang mabuo dahil sa ginawa niya saakin.
"Tapos na." dumila ako para ipakitang nalunok ko na. "Ano pa?" tanong ko sakanya nagbaba naman ito ng tingin.
"Wala na po," sagot nito na kaya mabilis ko narin siyang tinalikuran para umakyat sa kwarto pero bago pa man ako makalabas ng kusina ay nagsalita nanaman ito. "Ah nga pala Miss. May out of town meeting si Mr. Montimor, isang buwan daw po siyang hindi makakauwi."
Napahinto ang paa ko sa paghakbang matapos marinig yun. One month? hindi siya uuwi ng one month... determinado talaga siyang iwasan ako at hindi magkaroon ng ano mang ugnayan saakin.
"Okay," tipid kong sagot bago tumakbo paakyat. Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko iyong ni-lock at doon na iniyak ang lahat lahat ng sakit, galit at lungkot na naghalo-halo na sa dibdib ko.
Hindi ko akalaing talagang tototohanin ni Deon ang hindi pagpapakita saakin ng isang buwan. Nasasaktan akong isipin na ganoon na lamang niya kaaway na makita at makasama ako sa iisang bahay... para bang may nakakahawa akong sakit na pinandidirihan nya.
"Kung pwede lang na umalis ako at magpakalayo-layo na sayo ng tuluyan ay gagawin ko... ayokong nahihirapan ka ng dahil saakin, kaya kahit masakit ay handa akong lumayo pero may trabaho akong kailangan tapusin... may umaasa saakin kaya kahit gaano ko gustuhin ay wala akong magagawa" paos ang tinig kong bulong sa kawalan hinahayaan ang luha kong malayang magbagsakan habang nakatitig sa kisame ng kwarto.
"Miss hindi pa po ba kayo matutulog? papaputok na ang araw" tanong ni Fe na kakapasok lang ng kwarto at may bitbit na isang baso ng gatas. Hinawi niya kaunti ang kurtina bago iabot saakin ang baso. "Inumin niyo po muna to,"
"salamat Fe," tipid kong sagot bago inumin yun.
Ganon ba ako katagal nakatulala at hindi ko namalayang mag uumaga na? ni hindi manlang napagod ang mata ko sa pag iyak.
Nilingon ko ang bintana at pinagmasdan ang labas na unti-unting magliwanag.
Halos isang buwan akong ganoon. Wala masyadong tulog, umaasang baka kahit sandali ay bumisita si Deon. Natatakot akong maidlip manlang dahil baka mamaya ay hindi ko sya mamalayan kapag biglaan siyang dumating. Kamartiran mang pakinggan pero... kahit ganito ako tratuhin ni Deon ay talaga miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita.
"Wala ka bang narinig sa ibang mga kasambahay kung ngayon ba ang uwi ni Deon, Fe? Isang buwan na... kahit tawag ay wala manlang. " nanghihina ang boses kong tanong sakanya.
"Wala po, kahit ang sekretarya nya ay hindi bumisita" magkakasunod na iling ni Fe, may awa ang mga mata habang pinag mamasdan ako.
"S-sige-" mabilis akong napalingon sa teleponong nasa kwarto nang bigla itong tumunog. Si Fe na ang sumagot non habang ako ay nakatingin lamang sakanya at umaasang sasabihin nyang si Deon ang nasa kabilang linya at hinahanap ako. "Miss... si Mr. Gideon po"
Lolo ni Deon? bakit siya napatawag? Dali-dali akong tumayo sa kama para kuhanin kay Fe ang telepono.
"Hello?" naiilang ko pang sagot.
"Oh what a beautiful voice my apo!" agad na namutawi ang malakas at masiyahin niyang boses sa kabilang linya. "Goodmorning and I'm sorry for calling this early in the morning hija"
Magkakasunod akong umiling kahit na hindi naman nito makikita.
"Hindi po ayos lang po, bakit nga po pala kayo napatawag?" mabagal ang pagsasalita ko, ingat na ingat dahil sa kaba na baka ay hanapin niya bigla si Deon at magtaka na ganito kaaga ay wala siya.
"I want you and Deon to come to the main house later for Dinner okay?"
"Dinner po?" gulat kong tanong.
"Yes, Dinner. Why? Do you have any plan for dinner hija? I'm sorry I should've ask you first-"
"Ah! hindi po! hindi po sa ganon nagulat lang ako hehe" pagpapalusot ko pa kahit ang totoo ay abot-abot na ang kaba ko.
Paano ako pupunta doon kasama ang apo nya? Eh maski anino ni Deon ay hindi ko pa nakikita mag-iisang buwan na.
"So? makakapunta ba kayong mag-asawa?"
"Opo naman. Pupunta po kami..." pikit matang sagot ko. Bahala na! baka naman umabot ang balitang to kay Deon at magmadali at mapilitan siyang umuwi.
"That's wonderful thank you. So bye na? masyado ko ng binulabog ang morning niyong mag asawa. Sigurado akong tulog na tulog pa yang asawa mo, malalim kung matulog yan naku!"
"Ah- haha oo nga po, tulog na tulog pa po! ayun nga at nakanganga pa" hilaw ang tawa ko matapos sabihin yon, tinuro ko pa nga ang kama na akala mo talaga ay may nakikitang asawa na nakahiga doon.
"Ha ha ha oh siya sige na at aasahan ko kayo mamaya!"
"Opo... bye po."
Marahan kong inilapag ang telepono bago bumuga ng malalim na buntong hininga at napapahawak pa sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Ubod ko ng sinungaling kay aga-aga pa.
Pabagsak akong umupo sa kama at kinuha ang phone ko bilang si Cataleya. Ngayon, sino ang tatawagan ko para mahanap si Deon ng hindi nalalaman ni Mr. Gideon? Sigurado akong magagalit si Deon kapag pumunta ako roon mag-isa dahil lalabas siyang masamang asawa na siyang ayaw na ayaw niya dahil mapapagalitan siya.
"You know I really have to obey my parents and grandparents... and I don't want you to ruined my relationship with them."
" If my parents and grandpa didn't told me to marry you hinding-hindi mangyayari ang lahat ng to. Just thinking about all of this makes me so sick, I don't even want to lay my eyes on you. "
" So you better not let my family knows that I hate you... kapag nalaman kong nagsalita ka at nagpaawa sakanila para pagmukhain akong masamang asawa... I won't let you get away with it."
Napahawak ako sa ulo ko nang magbalik sa ala-ala ko Ilan sa mga sinabi ni Deon matapos ang kasal namin. Alam ko naman kung saan siya nanggagaling. Alam kong napilitan lang siyang magpakasal at talagang labag yun sa loob niya pero kailangan dahil sa kasunduang inilapag ng papa at lolo ni Cataleya sa kumpanya nila Deon.
Sumasakit ang ulo ko, napaka-kumplekado ng buhay ng mayayaman.
"Ay!" sigaw ko nang bigla ay malakas na mag ring ang cellphone na hawak ko. Sandali pa akong natulala nang makita ang pangalan ni Deon. Nanginginig ang kamay ko yung sinagot. "H-hello?"
"DID YOU ASK FOR IT?!"
Mabilis kong nailayo sa tainga ko ang cellphone nang marinig ang galit na galit na sigaw ni Deon sa kabilang linya. Lumunok muna ako bago muling inilapit sa tainga ko ang phone upang marinig siya.
"Did you ask my Lolo to have dinner so I can go home? Huh! I just said I will be away for one month and you just summoned me exactly after a month? It disgust me thinking that you're using my family for your own sake damn it!"
So iniisip niyang ako ang nag-set ng meeting na yun para umuwi siya? Ni hindi yun pumasok sa isip ko kahit na miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang umuwi ay hindi ko naisip na kontakin siya para pauwiin dahil iniintindi ko at naiintinidihan ko naman kung bakit gusto niyang lumayo.
Malalim akong huminga, pinipigilang malaglag ang mga luhang nagkukumpulan na sa mga mata ko.
"U-uhm-" mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang manginig ang labi ko matapos kong tangkaing magsalita.
Tumingala ako kay Fe na kanina pa nakabantay at nakamasid saakin, di na niya napigilang hayurin ang likod ko para pakalmahin ako tuloy ay mas lalo lang akong naiiyak.
"What? you're just going to keep quite? guilty? you run out of excuses cause you really did it no? disgusting. Okay, fine! I'll pick you there at 5. I hope you're happy now." sabi niya' bago ibaba ang tawag.
Naiwan ang paningin ko sa screen habang tuloy-tuloy lang sa paghikbi. Mas lalo akong napahagulhul ng hilahin ako ng yakap ni Fe.
"P-pagod na ko... ang s-sakit sakit na"