Chapter Six

1451 Words
Nang lingunin ko si Dom ay nakatalikod na ito at mabilis nakarating sakanyang sasakyan. Naiwan na lamang akong nakatanaw sa pag alis niya. Noon pa ay alam ko ng mabuting tao si Dom, kahit pa hindi niya kakilala ay hanggat maaarinay aalukin niya ng tulong. Napakaswerte ni Deon at nakatagpo siya ng katulad ni Dom bilang kaibigan. Handa tumulong ng walang mapagsamantalang kundisyon. Inayos ko ang mahabang buhok ko, sinusubukang takpan ang magkabilang bahagi ng mukha ko saka ay muling isinuot ang sumbrero sa aking ulo. Mahirap na at baka mayroon pang makakita saakin at umabot pa sa mama ni Cataleya o kay Deon. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago magsimulang maglakad papasok ng hospital. "Saan po kayo ma'am?" harang na tanong saakin ng guwardya. Ngumiti ako at pahapyaw na itinaas ang mga supot na dala ko upang ipakita sakanya. "May dadalawin lang po ako sa loob, maghahatid narin ng ilang pangangailangan nila" magalang at nakangiting sagot ko pa. "Wow ang dami naman niyan Ma'am" komento nito bago buksan ang isang log book. "ID nalang po ma'am," nag-angat ito ng tingin saakin. "ID?" "Yes ma'am id po para mairecord ko po ang pagbisita niyo. " paliwanag niya. Tumango ako at sandaling inilapag sa sahig ang dala ko para mailabas ang aking pitaka kung saan naroroon ang aking identification card. Kinuha ko yun at sandaling natigilan at mapatitig sa card. Pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko, ito ang unang beses na gagamitin ko ang bagay na ito. "Ma'am?" napaiktad ako nang marinig ang pagtawag niya. Tinitigan ko ang sekyu nagtataka kung anong kailangan niya "ID ho ma'am" dagdag nito nang mapansin ang kalituhan sa mukha ko. Niyuko kong muli ang card at doon na natauhan. "Ah ID! pasensya na po, eto po" natatarantang abot ko ng hawak kong Id sakanya. Pinapanood ko ang bawat galaw ng mga mata ng sekyu habang ininspekayun ang card na ibinigay ko. Nagsulat siya sa notebook at muling tumingin saakin ng nakangiti. "Thank you, Ma'am Cataleya. Welcome po, pasok na po kayo." inabot niya saakin ang I'd na siyang dali-dali ko ring kinuha at dire-diretsong naglakad papasok ng hospital. Kasama sa pagpapanggap kong ako so Cataleya ay ang pagbago at pagpeke ng lahat ng mga dokumento ko. Hindi ko alam kung paano nagawa yun nila Cataleya dahil bigla nalamang nilang inabot saakin yun, lahat ng dokumento ay dinoktor na talaga namang kapani-paniwala. Sa di kalayuan ay nakakita na ako ng mga nurse kaya mas binilisan ko ang lakad para tanungin kung ano ang room number ni mama. "Nurse" tawag ko sa isa sakanila napapangiwi ma sa bigat ng aking dala. "Yes ma'am?" nakangiti itong inantay ang sasabihin ko. "Mr. Montimor the hospital is doing great! with your help, lahat ng machines ng hospital ay napa-upgrade. Thank you very much Mr. Montimor." Mabilis akong yumuko at sinadyang ihulog sa sahig ang isang supot na hawak ko at magkunwarinh dinadampot yun habang itinatago ang mukha ko. "I hope the hospital will do well Doc." Kumabak ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko nang marinig ang napakaseryosong boses ni Deon. Anong ginagawa niya dito? hindi naman siya' doctor bakit sa lahat ng pwedeng lugar na puntahan ay narito siya? mamamatay na ata ako sa kaba. "Ma'am ayos lang po kayo? ano po bang name ng patient yung dadalawin niyo?" tanong ng nurse na umupo narin sa harapan ko at sinimulan akong tulungan ligpitin ang laman ng mga plastic bag nansinadya long ihulog. "Mamaya nalang" mahinanh sagot ko, medyo binago ko pa ang tono ng boses ko. Mariin akong napapikit nang makita ang sapatos ni Deon, humahakbang na siya papalagpas saakin kaya mas lalo akong yumuko, inayos ang sumbrerong suot ko paibaba upang mas magtago pa. Pigil ko ang hininga ko, inaantay na tuluyan siyang makalagpas kung nasaan ako pero ganoon nalamang ang takot ko nang bigla itong huminto sa gilid ko at umupo. Pero kahit ganon ay hindi ako nag angat ng mukha nagbibisi-bisihan. "Here" tiningnan ko ang inaabot niyang prutas na kasama sa mga hinulog ko kanina. Nanginginig ang kamay kong hinablot yun sa kamay niya. "s-salamat po" nakagat ko pa ang labi ko nang bahagyang manginig sa kaba ang boses ko. "You're welcome," walang emosyong sagot nito bago tumayo. Narinig ko pa ang tunog ng ginawa niyang pag-pagpag sa kanyang kamay bago umalis. "Ha!" malakas na buntong hininga ko, napahilamos ako sa mukha ko nang sa wakas ay makaalis na si Deon. Muntik na ako. Mabuti na lamang ay naksuot ako ng sumbrero habang nakaharang sa magkabilang gilid ng mukha ko ang aking buhok. "Ma'am?" napatalon ako sa gulat ng biglang may kumalabit saaking braso. Pagtingin ko ay ang nurse lamang pala, inaabot saakin ang plastic na naihulog ko kanina. Kinuha ko yun mula sakanya at pahapyaw na ngumiting. "Maraming salamat" "Walang ano man po Ma'am, pwede ko bang malaman ang pangalan ng pasyenteng bibisitahin niyo?" tanong nya. Lumapit ako sa desk at sinabi ang pangalan ni mama, agad naman niyang ibinigay saakin ang room number kung saan ito naka-admit kaya agad-agad rin akong nagmadali na hanapin yun. Sabik na sabik na talaga akong makita sila, kahit bawal ko silang lapitan dahil sa kasunduan namin nila Cataleya ay ang masulyapan lamang sila mula sa malayo ay sapat na para saakin. Tiningala ko ang bawat pintuan ng kwartong madadaanan ko, nang makita ko na ang kwarto kung nasaan si mama ay bigla nalamang namasa ang aking mga mata. Nanginginig ang labi ko nang makita Mula sa maliit na siwang ng pinto ang aking kapatid, nakaupo sa kama nang sundan ko kung saan siya nakatingin ay doon na sunod-sunod na nagbagsakan ang kanina ko pa pinipigilang luha. Ang kawawa kong mama... ang kapatid ko, miss na miss ko na kayo. "hng~" mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang mapalakas ang hikbi ko. Gustong-gusto kong tumakbo papasok sa loob ng kwarto at yakapin silang dalawa, gustong-gusto kong umiyak sa mga yakap nila at magsumbong at sabihin lahat ng masasakit na nangyayari saakin... miss na miss ko na ang pamilya ko pero wala akong magawa dahil sa oras na magpakita ako sakanila ay tiyak malalaman yun ni Cataleya at maaari niyang patagalin pang lalo ang pagpapa-opera kay mama kapag nalaman niyang sumuway ako sa kasunduan. "Ma kamusta ang pakiramdam niyo?" muli akong tumingin sa siwang ng pinto ng marinigan ang boses ng aking kapatid. Pilit kong tinanaw ang mukha ni mama at nagtagumpay naman akong makita ang mukha niya. "Maayos-ayos na, huwag ka ng mag-alala masyado" nanikip ang dibdib ko nang marinig ang paos at nanghihinang boses ni mama, pinipilit parin nitong ngumiti kahit halatang hirap na hirap na. "Kailangan kong gumaling kaagad para makasama na ulit natin ang ate mo... kailangan kong lumakas para makapag-pahinga ang ate mo sa pagtatrabaho... miss na miss ko na ang ate mo anak... at sobra akong galit sa sarili ko dahil ng dahil sa kalagayan ko, napilitan siyang saluhin lahat ng problema at responsibilidad na ako dapat ang gumagawa.... nagiging hadlang ako sa pangarap niyo, sa buhay niyo.... gusto ko ng gumaling at makalabas dito para ako naman' ang mag-alaga sainyo... " Tumingala ako sapo-sapo ang aking dibdib habang walang tigil sa pagtulo ang luha. Minsan gusto kong kwestiyunin ang nasa itaas, bakit may kagaya namin? bakit kailangang bigyan kami ng ganitong pagsubok? hindi naman kami masamang tao... wala kaming inaagrabyado... ang gusto lang namin, mabuhay. Kaya ko pang tanggapin na salat kami, dahil handa akong magbanat ng buto upang makakain, pero ang bigyan ng malubhang sakit ang nanay ko habang salat kami ay para saakin sobra-sobrang parusa... "Ah nurse!" namamaos ang boses kong tawag sa nurse na medyo hinabol ko pa. "Yes ma'am?" tanong nito matapos huminto at tumingin saakin. Sandali akong napapikit nang maramdaman ang sakit ng lalamunan ko matapos kong lumunok upang makapag salita ng maayos. "Makikisuyo sana ako, pwede mo hang ihatid ito sa kwartong iyun" turo ko sa kwarto kung nasaan si mama at ang kapatid ko. "Kapag nagtanong kung kanino galing ay pakisabing ipinadala ito para sakanila ni Danica" tukoy ko sa mga plastic na hawak ko. "Sure ma'am," mabait na pagpayag nito bago kunin saakin ang mga plastic. Sumisinghot pa nga ako at medyo malabo pa ang aking mata dahil sa pag iyak. "Maraming salamat..." nakangiti sabi ko bago dali-daling umalis at lumabas ng hospital. Hanggang sa makalabas ako ng hospital at makasakay sa taxi ay wala parin akong hinto sa pag-iyak, ito namang driver ay talagang nagpatugtug pa ng nakakalungkot at pang-broken akala pa ata ay broken hearted ako. Nilibang ko nalamang ang sarili ko at pilit pinakalma dahil hindi pu-pwedeng uuwi akong maga ang mata at mukha dahil sa kakaiyak. Baka mamaya ay makarating pa kay Deon ay mas lalo akong magkaroon ng problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD