Chapter Five

1545 Words
Pigil ko ang aking hininga nang tuluyan na akong makasakay sa napakagarang sasakyan ni Dom. Dala-dala ko ang nararamdamang kaba at takot sa mga pwedeng mangyari ngayong araw. Pasimple kong sinulyapan si Dom na tahimik na nagmamaneho, nagugulat naman akong nag iwas agad ng tingin sakanya ng bigla ay lumingon ito saakin sandali. "We're almost there" tanging sabi niya lamang. Marahan akong tumango ako at inantay na lamang na makarating kami sa isang tagong coffee shop katulad ng hiniling ko. Ngayong araw, nagdesisyon akong ipagtapat kay Dom ang lahat at makiusap na huwag ipagtapat sa kaibigang si Deon ang aking sekreto at kung sino talaga ako. Hindi ako sigurado kung papayag siya dahil una sa lahat walang dahilan para makipagsabwatan siya sa kalokohang ginagawa ko. Labis-labis na ang kaba ko nang bumagal ang takbo ng sasakyan at maingat na pumarke sa harapan ng isang maliit na shop. "Let's go?" Napatalon pa ako nang bigla kong marinig ang malalin at baritong boses ni Dom. "Ah, sige.." lutang na lutang na sagot ko habang sinusubukang tanggalin ang lock ng seatbelt pero hindi iyon matanggal. Ano bang klaseng seatbelt to? kakaiba ang itsura nito kumpara sa seatbelt ng normal na sasakyan. Napatingala ako nang buksan ni Dom ang pintuan sa inuupuan ko. "Are you struggling to unlock it?" tanong nito. "Oo eh, hindi pa ako nakakita ng ganitong seatbelt na napaka-komplikado ng itsura. Paano ba to tanggalin?" nahihiyang sagot ko habang nakatingin sakanya. Napansin ko ang pagguhit ng maliit na ngiti sa labi nito na siyang nagpanguso saakin. Gusto niya ba akong pagtawanan? kasalanan ko bang ngayon lamang ako nakakita ng ganito? psh. "let me help you," Napadiretso ang likod ko sa pag-upo at gulat na gulat ang mga matang nakatingin sa ulo ni Dom nang ito ay yumuko para kalasin ang seatbelt sa katawan ko. Nang tuluyan iyong makalas ay kaagad akong napangiti, hay salamat natanggal din. "There you go–" Parehong naiwan ang titig namin sa isa't-isa nang bigla nalang itong lumingon saakin at hindi inaasahang papantay ang mga mata naming dalawa sa sobrang lapit nito saaking mukha. Sa kaunting maling galaw ay maaaring maglapat na ang mga labi namin kaya agad ng kumilos ang kamay ko at mahinahon siyang itinulak papalayo. "Halika na sa loob at mayroon pa akong dapat puntahan pagkatapos natin dito." nakangiting ani ko sakanya at bumaba na ng sasakyan. Inunahan ko na siyang maglakad papasok sa shop, nilingon ko siya' sa tabi ko nang mabilis siyang magpauna at buksan ang salamin na pintuan. "salamat" sabi ko at nakangiting pumasok sa shop. "I'll order first, Ikaw na mamili kung saan mo gusto umupo." iminuwestra niya ang ibat-ibang pwesto ng mga lamesa at upuan. Tumango ako sakaniya at nagsimula ng pumili ng pwesto. Maganda sana ang pwestong nakaharap sa glass wall, matatanaw mo ang berdeng-berdeng hardin na mas lalo pang pinapaganda ng umagang araw pero delikado yun para saakin na nasa ganitong sitwasyon. Baka mamaya ay may makakilala saakin o ang mas malala pa ay si Deon mismo ang makakita saakin dito. Wala akong maisasagot sakanya kung sakaling tanungin niya ako bakit kasama ko si Dom ngayon. At base sa nangyari kagabi nang makita niya kami ni Dom ay hindi magandang nagagalit si Deon... hindi niya ako mahal pero kung matakot siyang maagaw ako ay wagas. Marahil Hindi niya kinakatakot na maagaw ako, takot lamang siyang maagawan, dahil natural sa mga mayayamang lalaking kagaya niya ang ayaw malamangan o maagawan ng kaibigan pagdating sa babae. Napailing ako at umupo sa sulok ng cafe pilit inaalis si Deon sa isip ko. Ngayon, kailangan ko munang ituon ang lahat ng atensiyon ko kung paano ko makukumbinsi si Dom. "Here's our coffee, I order some carrot cake and muffin do you like them?" maasikasong tanong nito matapos maingat na ilapag sa harapan ko ang tasa ng kape. "Hm, salamat" sagot ko at agad na tinikman ang mga nasa mesa. Sakto ay gutom narin ako dahil hindi ko manlang nakuhang mag-agahan kanina sa pagmamadali at dami ng iniisip. Lumipas na ang ilang minutong walang kumikibo saaming dalawa. Si Dom ay tahimik lamang na iniinom ang tasa ng kape niya at alam kong hinihintay niya lamang na ako ang maunang magsalita. "Uhm Dom..." panimula ko kasabay ng paglapag ko ng kutsarita bago mag-angat ng tingin sakaniya. "Yes? just talk comfortably, I'm all ears." nakangiting sabi nito na siyang kahit papaano ay nagpaluwag ng paghinga ko. "Ano kasi... nagpakasal ako kay Deon" bitaw ko, tumaas ang dalawang kilay niya tila hindi mawari kung anong gusto kong iparating. "Yes, I know. You're married to him that's why you're his wife" "Hindi... nagpakasal ako kay Deon dala-dala ang pagkatao ni Cataleya." "W-what? I... I don't understand." naguguluhan nitong tanong nakakunot at lukot na lukot ang noo, pilit iniintindi ang mga tinuran ko. "Nagpakasal ako kay Deon hindi bilang Danica, kundi bilang Cataleya. Walang alam si Deon, ang alam niya ay ako si Cataleya." kuyom ang parehong kamay ko matapos iyong aminin sa harap niya. "Why? bakit mo ginawa yan?" tanong niya puno parin ng pagkalito ang mukha. Malungkot akong ngumiti bago sumagot. "Para sa pera. Kailangan ko ng malaking halaga ng pera at hospital na tatanggap sa mama ko dahil sa sakit niya. Kaya nang ialok saakin ni Cataleya ang trabahong to, wala akong magawa kundi sunggaban kahit ayoko. Desperado na akong gawin lahat para sa magulang at kapatid ko Dom. Bilang panganay, kailangan kong gawin ang lahat para sa pamilya ko... " naramdaman ko ang paghapdi ng magkabilang gilid ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha pero pinatatag at pinatigas ko ang ekspresyon. Sa sitwasyon na ito, wala akong karapatang umiyak. Ako ang nangloloko ng tao dito kaya wala akong karapatang umiyak na para bang ako pa ang kawawa. "Kahit ang mangloko ng tao Danica?" biglaan ay tanong ni Dom. Hilaw akong napangiti at tumingin sa mga mata niyang halata ang gulat, inis at pagtataka. "Kahit ang mangloko pa ng tao Dom. Kaya kong sirain ang pagkatao ko para lang madugtungan ang buhay ng Mama ko" mariing ulit ko sa harapan niya. "Kaya nakikiusap ako sayo Dom, alam kong walang dahilan para tulungan mo ako... pero sana wag mong sabihin kay Deon ang mga nalalaman mo, huwag mong sabihin sakanya kung sino talaga ako. Kailangan pa namin ng pamilya ko ang tulong ng pamilya ni Cataleya." pagmamakaawa ko habang nakatingin ng mariin sa mga mata niya. Nag-iwas ito sandali ng tingin saakin bago nagpakawala ng buntong hininga. "Pwede ko kayong tulungan Danica... kaya ko ring—" "Hindi na kailangan," pigil ko sa kung ano mang sasabihin niya. "Salamat nalang Dom pero hindi mo na kailangang gawin yan." "Tatanggihan mo ang alok ko at mas pipiliing ituloy ang ginagawa mo? akala ko ba ayaw mo sa ginagawa mo? what's the different between my help and Cataleya's help? ako, wala akong hihingiing kapalit o ipapagawang masama sayo, so why? bakit mo tinatanggihan ang tulong ko?" kunot na kunot ang noo nito at halos makita ko na ang ugat sa kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa tasa ng kape. Bakit nga ba? Nahihiya akong napayuko ng ulo sa, hindi ko kayang salubungin ang galit at naguguluhang tingin ni Dom saakin. Hindi ko kayang ipakita sakanya ang kaimpokritahan ko. Tinanggihan ko ang tulong niya dahil alam kong, kung ititigil ko ang pagpapanggap bilang si Cataleya ay malalayo ako kay Deon. "May gusto ka kay Deon." Mabilis akong napaangat ng tingin kay Dom ng marinig yun mula sakanya. "Tama ako hindi ba? you have feelings for him. Kaya bukod sa kailangan mo ng tulong para sa mom mo, ginagamit mo rin ang pagkakataong ito para makasama siya." Tumango ako kasabay ng pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tahimik na umiyak sa harap ni Dom, kataka-taka ring ayun na ang huling sinabi niya at hindi na nasundan pa. Nasa sasakyan na kami ngayon at tinatahak ang daan papunta sa hospital kung saan naka-admit si mama. Nakarating kami sa parking ng hospital. "Dito nalang ako Dom, maraming salamat sa pakikinig..." medyo paos ang boses ko dahil sa kakaiyak. Hindi ko rin sigurado kung itatago ni Dom ang sekreto ko, pero kahit ganon masaya ako... gumaan ang pakiramdam ko matapos maiiyak at masabi ang lahat-lahat sa iba ang sekretong mayroon ako. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag matapos ang kasal. Katulad kanina ay binuksan ni Dom ang pintuan ng sasakyan at tinulungan akong kalasin ang seatbelt. Wala parin itong kibo kaya nailang ako at di mawari kung galit parin ba siya dahil sa mga nalaman niya at sa ginawa kong pagtanggi sa tulong niya. Paglabas ko ng sasakyan ay sunod naman niyang binuksan ang likuran ng sasakyan at inaabot saakin ang mga binili oong grocery para kay mama at sa kapatid ko naparami pa nga yun dahil dinagdagan ni Dom. "Maraming salamat, Dom." ani ko, tumango lamang ito bilang sagot kaya naiilang nalang akong ngumiti at kumaway sakanya bago tumalikod at maglakad papasok ng hospital. Nakatatatlong hakbang palamang ako nang marinig ko ang sinabi ni Dom. "Don't worry your secret is safe with me Danica. I know you have reasons kaya mo ginagawa ang lahat ng to, but I want you to know na kapag ayaw mo na, you can always run to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD