Carolline's POV Pagkagising ko ay nalaman ko na lang na nauna na pa lang umuwi si Brianna sa amin. Napag-isip isip ko nga kanina na... nasobrahan yata ako. Hindi ko dapat siya pagsalitaan ng masasakit na salita. Nagmahal lang din naman siya katulad ko. Natatakot ako na baka tuluyan na talagang masira ang relasyon naming magkapatid. Hindi ko na dapat siya sinampal at pinahiya sa maraming tao. Argh! Ang tanga tanga mo naman kasi talaga Carolline! Nakakaloka! Ano pa nga bang magagawa ko? Magso-sorry na lang siguro ako sa kaniya pagdating namin sa Maynila. At 'yong magaling naman na si Francis ay hindi ko makita. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko man lang makita kahit anino niya. Nasaan kaya 'yon? "Carol ano okay ka lang?" tanong ni Allen sa tabi ko. Umiling naman ako at tumingin