LIZAH AGUILAR AKALA ko nga, sa Dracul’s mansion kami dideretso pero dinala ako ng driver sa isang mans’yon na hindi ko alam kung sino ang naka-tira roon at ngayon lang ako naka-punta rito. Hindi na lang ako nag-tanong sa driver. May butler din na sumalubong sa ‘kin, sa main door pa lang. “Follow me, Madame.” Pormal akong tumango. Sinundan ko s’ya nang humakbang sa kanang hagdan. “Matanong lang po kung kanino po itong bahay?” magalang na sambit ko. “Kina Madame Anghelisha at Sir Ryū noon, madame,” tugon n’ya sa ‘kin. Inakyat namin ang hagdan. Pagdating namin sa unang dulo rito sa hallway ng pangalawang palapag, gumamit kami ng elevator at nakita kong floor 4 ang pinindot ng Butler. Nang bumukas pahati ang pintuan, kaagad kong narinig ang namamayagpag na boses ni Bertha sa first door

