LIZAH AGUILAR TULAK-TULAK ko ang push cart habang tinititigan ko ang listahan ng mga groceries na bibilhin ko. Nasa supermarket ako ngayon. Kaninang alas kuwarto ng hapon ang out ko sa trabaho at dumiretso agad ako rito para mamili. Hindi ko pa naipasok sa cart ang dalawang item. Binasa ko na muna ‘yon. “Strawberry ice cream for Elizahbette and strawberry fruit for Elizander.” Napapailing na lang ako habang napapangiti. My twins are obsessed with strawberry flavors in almost everything. Limang taong gulang na sila at pumapasok sa preschool. Sa orphanage pa rin ang aming tahanan. Doon din sila nagaaral. Sa loob ng limang taon, si Dessa pa rin ang katuwang ko sa kambal dahil hindi ko sila kayang alagaan na ako lang mag-isa. Ang laki ng pasasalamat ko at naka survive ako sa panganga

