LIZAH AGUILAR NANG umugong sa mga tainga ko ang tugon sa ‘kin ng doktora, napa-takip ako ng bibig at uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Habang naluluha, pinarinig pa ulit sa ‘kin ang heartbeats. Doon pa ako mas naging emosyonal na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang tuwa ko, pagkatapos ng examination, niyakap ko si Dessa na naka-abang lang s’ya rito sa labas ng examination room. “What happened? Bakit ka umiiyak?!” Natataranta dahil hanggang ngayon, para akong baliw na humihikbi. “D-Dess… doble ang… ang baby ko…” Iyan ang inuusal ko sa kan’ya. Binigyan n’ya ako ng naguguluhan na tingin. “H-Ha?” mahinang usal n’ya. “Teka, tumahan ka muna. Uminom ka ng tubig.” Mabilis n’yang nilabas ang tumbler. Inalis n’ya muna ang takip bag

