PAGKAUBOS ng kape ni Aleah ay nagtungo kaagad siya sa opisina ni Drake. Pinindot niya ang door bell. Mamaya ay bumukas ang sliding door. Namataan niya si Drake na nakaupo sa tapat ng office table nito habang nakaharap sa laptop nito. Noon lang niya napansin na pinalitan nito ang pinto. May remote control na ito. Pagpasok niya ay isinara kaagad ni Drake ang pinto. Tumayo siya nang tuwid at sumaludo sa kanyang boss. Nasanay kasi siya sa tatay nito na kailangan saluduhan muna. “Good morning, sir!” bati niya. Nasa rules ng agency na kapag hindi pa gumaganti ng salute ang boss ay hindi niya puwedeng ibaba ang kamay niya. Kailangan mauna ito sa pagbaba ng kamay. Ang kaso, hindi gumaganti ng saludo si Drake. Nakatingin pa rin ito sa monitor ng laptop. “Good morning, Miss. Garcia,” sagot lan