PAGLABAS ni Aleah ng banyo ay nadatnan niya si Drake na nakahiga na sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nakapatong ang mga paa nito sa sandalan ng sofa. Napangiti siya nang makita na ang pinapanood nito ay cooking show. Hindi siya magtataka kung bakit marami itong alam na lutuin. Bigla siyang nahiya. Hate na hate niya ang mga cooking shows. Umupo siya sa paanan ng kama. Naroon lang sa bandang kaliwa ng kama niya ang sofa na kinahihigaan ni Drake. Nakatingin din siya sa telebisyon na nakadikit sa dingding. Naalala niya bigla ang imbitasyon ni Tyler, na mag-celebrate sila ng birthday ng ina nito sa Tagaytay. Tiningnan niya si Drake. “Uhm, Drake?” tawag niya sa atensiyon nito. Tumingin naman ito sa kanya. “Hm?” anito. “Kuwan, magpapaalam sana ako kung puwedeng mag-day off ako sa Saturd