WALANG GANANG naupo si Liam sa waiting area sa tapat ng silid ng ama ni Dylan. Kaagad namang lumabas ng silid ang kaibigan nang mapansin siya. Dahil iisa lamang ang pinapayagang magbabantay sa loob ay si Dylan lamang ang mag-isang naiiwan. Napapahanga siya kung gaano ito katatag sa ganitong oras ng paghihirap. Tumayo siya at hinarap ang kaibigang balot na balot pa ng disposable hospital gown. “Dylan, here is it.” Iniabot niya rito ang dala-dalang gamit para sa kaibigan. “Thank you, Liam. You’re the best.” He smiled at him and tapped his shoulder. “No worries, Bro—” Napahinto siya sa nais sabihin nang mapansin niya si Brittany na naglalakad sa hallway patungo sa gawi kung nasaan siya at si Dylan. Namilog ang kaniyang mga mata at iritableng tumingin sa babae. Nagtama ang kanilang mga mat