PAGKAGALING sa hospital ay nagtungo si Liam sa unit ni Dylan upang kuhaan ito ng gamit. Dylan had to stay in the hospital alone, because the only visitor allowed inside the ICU is one at a time. Naawa man siya sa kalagayan ng kaibigan ay wala naman siyang magawa upang tulungan ito. Hindi niya naman kayang pagalingin ang ama ng kaibigan upang hindi na ito mag-alala pa. At nang sa ganoon din ay makapagpahinga na ito. Nakikita niya kasi sa kaibigan na pagod na pagod na ito, ngunit nananatiling nakatayo. Ipinapanalangin niya na lamang sa panginoon ang mabilis na paggaling ng ama ni Dylan. Saka na lamang niya iisipin kung paano ipagtatapat sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni Piper. Ang tanging panalangin niya lamang ay sana matanggap ito ng kaibigan. Kaagad niyang inayos ang mga dapat dalhin