MAAGA ang naging pasok ni Piper. At gaya ng normal na araw ay inihatid siya ng nobyo sa hotel, ngunit bahagyang may kalayuan upang hindi kumalat ang issue sa pagitan nilang dalawa. They both not ready to confess everything to Dylan. Kung kaya hanggat maari ay hindi nila nais na manggaling sa iba ang katotohanan. Masaya siyang nagtungo sa kanilang locker room bitbit ang isang palumpon ng bulaklak. Hindi niya inaasahang bibigyan siya ni Liam ng bulaklak, kaya pala bumaba ito kanina ng sasakyan at nang bumalik ay dala na nito iyon. Tinotoo nito ang sinabi na araw-araw siyang liligawan kahit na sila na. Ikinatuwa niya ang bagay na iyon. She even asked herself if she deserve this kind of efforts and happiness inside her heart because of him. “Piper!” Napabalikwas siya nang magulat dahil sa