PINAG-ISIPANG mabuti ni Liam ang mga nangyari. Makailang oras na rin siyang nanatiling tulala sa loob ng kaniyang silid. Nahihiya siyang sabihin kay Dylan kung paano niya trinato si Piper nang nagdaang araw. Nahihiya rin siyang isipin na sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang bastusin nang ganoon ay ang babae pang nagugustuhan ni Dylan. He loves Dylan more than just a friend. They like brother. At hindi niya nais na masira ang relasyon nila sa simpleng bagay na iyon, kaya naman mas minabuti niyang ilihim na lamang ang nagawang kasalanan. Ngayon ay nagsisisi siya at gustong makausap si Piper upang humingi ng tawad. Pero paano naman kaya? Kung ngayong nasa Maynila ito at siya naman ay nasa probinsya. Idagdag pang hindi niya alam kung paano ito makokontak o mapupuntahan man lamang. Isang b