NANG GABING iyon ay lubusang pinag-isipan ni Dylan ang lahat ng kaniyang magiging desisyon. He knew each step he would make was not easy, and anytime can go wrong but he had to make one. Hindi niya hahayaan si Luisa sa bagay na parehong silang dalawa ang may kagagawan. Sa sofa na siya natulog at maagang nagising, naunahan pa nga niya ito, kaya naman naisipan niya na lamang magluto ng kanilang agahan. Desidido na siya. Labis na nagtaka si Luisa nang magising sa ibang silid. Ang silid na huli nilang pinagsamahan ni Dylan noon. Bumangon ito sa kama at dali-daling hinanap ang lalaki. “Good morning,” masayang bati ni Dylan nang makita ang babae na nagmamadaling lumabas ng kaniyang silid. Magulo pa ang buhok nito at pareho pa rin ang damit simula kahapon, ngunit maganda pa rin ito. Inilapag

