Chapter 119

1782 Words

MABIGAT man sa dibdib ay kailangang sabihin ni Piper kay Liam ang nangyari kanina sa hospital. Matapos ang kaniyang unang checkup sa ika anim na linggo ng pagbubuntis ay nanghihina siyang umuwi sa kanilang bahay. Nanlalambot ang kaniyang tuhod at pinipigilan lamang ang mga luha, pinipilit niyang lakasan ang loob kahit na kanina pa niya nais umiyak at humagulgol. Ngayong nasa bisig na ng asawa ay saka inilabas ang lahat ng luha. Hindi nagsalita si Liam at hinayaan lamang siyang umiyak nang umiyak. Inaya siya nitong pumasok sa loob ng bahay, tinungo ang kanilang silid at pinahiga siya sa kama upang magpahinga. “Liam, walang heartbeat,” paulit-ulit niya itong sinasabi. Naupo naman ang lalaki sa gilid ng kama at napansin ang nagkalat na pictures ng kaniyang ultrasound sa ibabaw ng bedsi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD